Parang kailan lang noong kasama ko pa sina Kuya Adrian, Kuya Derrick, si Dylan, Danna, Francine at pati sina Mom at Dad. Agad kong pinalis ang mga luha ko na kanina pa umaagos. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanila. Miss ko na sila. I want to know more about my real identity and my real family pero hindi ko pa rin maiwasan ang malungkot dahil umalis ako sa Pilipinas. Hindi ko in-expect na mangyayari 'to. "I'm really sorry, Andria." Napatingin ako kay Hugo nang marinig ang boses niya mula sa likuran ko. "You don't have to apologize. Marami ka ng nagawa para sa'kin. Salamat sa lahat." "Anything for my cousin," aniya. "What's your plan now?" Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at muling tumingin sa madilim na kalangitan. "I don't know." Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako maka

