(Flashback, year 2030) Sumandal ako sa sofa na kinauupuan namin dito sa guidance office. Kunot ang noo ko nang tingnan ang katabi kong si Hugo. I crossed my legs and arms, not leaving my eyes on him. Pinagtaasan niya ako ng kilay. I sighed. Biglang bumukas ang pintuan, dahilan kung bakit kami napatingin do'n. Agad na tumayo si Hugo. "Dad!" wika niya bago niyakap ang lalaki. "I missed you, Dad!" masaya pa niyang wika na siyang pinagtaka ko. Ngayon lang ulit sila nagkita? "I missed you too, Hugo," tugon ng lalaki bago bumitaw sa yakap ng anak. Ginulo niya ang buhok ni Hugo bago bumaling sa guidance counselor. "What did he do?" Ms. Almonte sighed. "He's the reason why the girls wrangled," malungkot na tugon niya. Nilingon ko si Monica. She pouted and crossed her arms habang tinitign

