"Andria, where do you want to travel?" tanong sa'kin ni Mommy habang kumakain kami ng breakfast. Ilang araw na akong hindi lumalabas dahil sa isyu na kinasasangkutan ko. I already got a lot of plans inside my head before everything of this happened pero hindi natuloy ang lahat ng 'yon. Hay nako. I was planning to do something new. "Kahit saan po," sagot ko nang hindi siya tinitignan. Umiinom ako ng tubig nang biglang nagsalita si Kuya. "I can take her to the forest with me, Mom," aniya bago uminom ng tubig. Muntik ko nang maibuga ang tubig na iniinom ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Tiningnan ko si Mom nang muli siyang nagsalita. "Hindi kita papayagan, Adriel! Madadapuan lang siya ng mga dumi at insekto do'n!" mahigpit na pagtutol niya rito. "Boring

