CHLOE POV
Nang makauwi kami ni kuya ay agad akong dumiretso sa kwarto ko saka ako naupo sa gilid ng kama ko.
"Ang bango naman nitong bulaklak na ito parang si kuya lang; Sabi ko habang inaamoy yung bulaklak na bigay ni kuya
Naaalala ko tuloy yung kanina, Ewan pero parang kinikilig parin ako, Si kuya kasi ang sweeet.. - -
Fast Forward
Kinaumagahan ay agad akong naligo, Anong oras na kasi late nako, pagkatapos kong maligo at mag-ayos ng sarili ay agad dumiretso sa baba.
"kuya tara na late na tayo; Sigaw ko kaso bakit parang walang tao, hayyst iniwan na naman ako ni kuya, kahilig talaga nung mang-iwan -,-
Pagkalabas ko ng bahay ay agad akong naghanap ng pwedeng masakyan, kaso bakit parang wala din.
Anong oras na late na talaga ako..Hayyyst bahala na nga.
Brent pov
Papunta na sana akong school ng matanaw ko si chloe, late nadin pala sya.
"Hey chloe; tawag ko sa kanya na ikina-lingon nya.
Grabe ang astig nya talaga, ang angas ng dating nya.
"b-brent; Sabi nya saka lumapit sakin
"Late kana rin pala, tara sabay na tayo; sabi ko habang nakakamot sa ulo
"Sure, tara; nakangiti nyang sabi saka nag-umpisang maglakad.
"ang malas natin no, wala tayong mahanap na pwedeng sakyan; Sabi ko habang patuloy parin kami sa paglalakad
"si kuya kasi nakakainis iniwan ako; Sabi nya na halatang inis talaga sya sa kuya nya.
"Hmm yung sasakyan ko kasi nasira kaya pinapagawa kopa;Sabi ko ulit
"Brent s-sorry nga pala nung isang araw ah, Hindi tuloy tayo nakakain ng sabay; Sabi nya ulit
"Ok lang, pwede pa namang mangyari yun;Sabi ko na ikina-hinto ni chloe
"a-ah aayain mo ulit akong kumain brent "Oo sana, kung pwede sayo; Mahiya-hiya kong sabi sa kanya.
"s-sige ba; Sabi ni chloe ng biglang.....
Chloe pov
"s-sige ba; Sabi ko kay brent ng biglang.......
Hitakin ni brent yung bewang ko na naging dahilan upang mayakap nya ako.
"C-chloe wag kang gagalaw; sabi nya sakin. Nang tingnan ko yung baba ay may nakita akong basyo ng bala, f**k anong nangyari.
"B-brent a-anong nangyari; nag-aalala kong tanong saka ako napahawak sa bewang ni brent.
"a-ahhh c-chloe; daing nya
Nagulat ako ng makitang may dugo na yung kamay ko.
"Brent may dugo ka; Sabi ko habang napapaluha na. Ayokong nakakakita ng ganito, Nag-aalala ako.
"Tsk, Muntik kana dun; Sabi nya saka ako tinitigan
"b-brent n-niligtas moko;Sabi ko saka ako napatingin sa mukha nya.
"Hindi kita niligtas niyakap lang kita, tyansing ako kaya ako tuloy yung natamaan nung bala; Biro nya, kaya nahampas ko sya sa braso nya.
"Nabaril kana nga nang-aasar kapa; nakapout kong sabi
"Ayoko kasing mag-alala ka, Malakas ako kaya wala lang to; sabi nya ulit saka pinisil yung pisngi ko
"errrrr wag na nga tayong pumasok, gagamutin ko yang sugat mo; Sabi ko saka hinila yung kamay ni brent
"Sa tingin ko magaling nako; Sabi nya ulit habang nakangiti, Ang pogi din talaga ni brent lalo na kapag nakangiti, labas pa dimples nya, Kaya maraming babae ang naghahangad sa kanya eh, talented pa.
"huh, bakit naman; Mataray kong tanong sa kanya.
"Hawak mo kasi yung kamay ko kaya feeling ko magaling na yung sugat ko; pagbibiro nya
"ah ganun pala ha;Sabi kodin saka hinawakan ng madiin yung sugat nya.
"a-aray ko; daing nya, natawa naman ako sa itsura nya, para kasi syang natatae na ewan
"Buti nga sayo mapang-asar ka kasi; sabi ko saka tumawa ng mahina
"Bahala ka kapag di agad to gumaling ikaw yung gagawin kong doctor; Banat nya ulit na sinuklian ko nalang ng ngiti.
Nang makarating kami sa bahay ay agad kong kinuha yung alcohol at bulak
"Brent dalhin nalang kita sa hospital; Sabi ko
"hindi na, daplis lang naman yan; Sabi nya saka hinawakan yung kamay ko
"Chloe Relax kalang, Ok lang ako; Sabi nya saka ulit ngumiti.
"Oo na, Medyo mahapdi to ah; Sabi ko saka pinahid sa sugat nya yung bulak na may alcohol, Kita ko sa mukha nya na nasasaktan sya.
Hayystt kasalanan ko to eh, Sino ba kasi yung nagtangkang bumaril sakin, bigla tuloy akong nakaramdam ng takot.
"Chloe ok kalang ba; Tanong ni brent saka hinawakan yung dalawa kong pisngi
"O-oo; Sagot ko habang nakatingin sa mata ni brent
"W-wag kang mag-alala hahanapin natin yung taong nagtangka sayo; Sabi nya saka mas tinitigan ako.
Para na tuloy kaming maghahalikan sa sobrang lapit ng mukha namin.
"c-chloe a-anong ginagawa nyo; parehas kaming nagulat ni brent ng marinig namin ang boses ni kuya.
"k-kuya k-kasi----; putol nya sa pagsasalita ko.
"Tsk..;Sabi nya saka agad na umalis ulit.
Naku patay ako neto.....hayst
YOHAN POV
Pagkakita ko kila chloe ay agad akong umalis ng bahay, Nagseselos ako eh -,-
Sa bagay kasalanan ko naman, Kung diko sana sya iniwan edi sana di sila magkasama nung brent na yun, bwiset kasi yung zander na yun pinagbantaan yung buhay ni chloe.
Siguro nalilito kayo, Isa akong gangster at si zander sya yung taong galit na galit sakin.
Nagalit sya sakin nung malaman nyang may gusto sakin si Nicole yung ex-Girlfriend nya,At dahil sakin kaya sila naghiwalay, Sa pagkakaalam ko sa ibang bansa na nakatira si nicole.
At yung si zander dipa rin sya maka-move on kay nicole hanggang ngayon kaya ayun ginagantihan nya ako.
Subukan lang talaga nyang saktan si chloe mapapatay ko sya.tsk
Nandito nga pala ako sa bakanteng lote na kung saan ako lagi akong tumatambay kapag malungkot ako.
Naalala kona naman tuloy yung kanina, Naghalikan sila ang sakit nun.
Bakit ba kasi diko pa masabi sa kanya na hindi kami magkapatid baka sakaling may pag-asa pang maging kami, yung magustuhan nya ako, kaso diko pa kayang sabihin sa kanya natatakot ako na layuan nya ako, hayyst ang hirap
"Mukhang may problema ka ata; Napalingon ako dun sa nagsalita
"Anong ginagawa mo dito; inis kong sabi habang nagtitimpi sa kanya<
"Kinakamusta ka dati kong kaibigan; Sabi nya habang nakangiti
"Zander pwede ba wag mong idamay si chloe; Sabi ko saka kinawakan yung kwelyo nya.
"Easy pare; Sabi nya ulit saka tumawa ng nakakaasar
"Sa pagkakaalam ko hindi talaga kayo magkapatid ni chloe tama ba?; Tanong nya
Napantig yung tenga ko ng sabihin nya yun.
"P-paano mo nalaman; Sabi ko
"Hindi na importante yun, Ang isipin mo na kung paano kapag nalaman nya; Sabi nya kaya nasuntok ko sya.
"Gago ka zander!; Galit kong sabi saka akma sana ulit syang susuntukin ng unahan nya ako.
"Easy kalang yohan, nag-uumpisa palang ako; Sabi nya saka ako tinalikuran, Napahawak ako sa labi ko, Sakit sumuntok nung gag*ng yun.
Chloe pov
Nandito ako sa sala habang di mapakali, anong oras na kasi wala parin si kuya, nag-aalala nako.
Napatingin ako sa gate ng makitang pumasok yung kotse ni kuya,Agad akong lumapit sa kanya.
"Kuya bakit ngayon kalang?; tanong ko ng hindi nya ako pansinin nagdire-diretso lang sya papasok sa bahay
"kuya may problema kaba? pansinin mo naman ako; sabi ko ulit habang hinahabol sya kaso dipa rin nya ako pinapansin hanggang sa makarating kami sa kwarto nya.
"kuya naman eh, ano bang problema; sabi ko ng bigla nyang isara yung pinto, F*ck sinaraduhan ako -,-
"Bahala ka dyan! Akala mo papansinin kita bukas magta-------;sigaw ko ng bumukas yung pinto.
"Chloe pwede ba na-ccr nako, istorbo ka; Sabi nya saka sumandal dun sa may pintuan.
Napanganga ako dun sa sinabi nya.
"Tumata---; putol nya sa sasabihin ko.
"Nawala na, Napigil istorbo kadaw kasi; Sabi nya ulit saka ako inirapan.
wahhhhhhhh nang-irap bakla talaga 😂
Napatingin ako dun sa may labi nya, teka bakit parang may dugo.
"kuya ano nangyari dito; Tanong ko saka hinawakan yung labi nya
"ah nadapa kasi ako kanina una ulo kaya sa labi ang tama; Pang-aasar nya
"Kuya para kang ewan, halika nga gamutin kita; Sabi ko saka sya hinila
"wala lang yan chloe; pagtanggi nya saka umiwas ng tingin sakin, teka parang may mali
"kuya tingnan moko; Sabi ko saka humarap sa kanya
"A-ayoko; sabi nya saka tumingin sa iba
"kuya tingnan mo sabi ako eh; Sabi ko ulit na medyo inis na
"a-ayoko nga sab-----;Putol ko sa sasabihin nya ng bigla ko syang ikiss sa pisngi nya.
Natulala ako sa ginawa ko, teka bakit ko ginawa yun.
"c-chloe; Sabi ni kuya ng matapos ko syang ikiss sa pisngi nya.