Chapter 7: Vincent

1879 Words
Ilang araw ang lumipas, ngunit walang Bianca akong nakita sa aming bahay. Ilang araw matapos niyang saktan ang aking anak na si Cheska, ay ngayon naman hindi siya magpapakita sa’kin upang humingi ng tawad. Hindi ko alam, ngunit ganun pala ang kaniyang ginagawa kay Cheska sa tuwing wala ako sa bahay. Kung hindi ko pa sila naabutan sa ganung tagpo, hindi ko pa malalaman na minamaltrato n’ya na pala ang aking anak. “Sir, are you alright?” Agad akong napatingin kay Elice ng bigla na lamang itong nagsalita mula sa aking harapan. Isang tango naman ang aking ibinigay rito bilang sagot ko saa kaniyang tanong sa akin. “Siya nga pala…” Huminto ako sa aking pagsasalita at marahan na inilagay ko ang mga papel na aking hawak sa gilid ng aking working table. “…kumusta na ang pinapahanap ko sa ‘yo? May nahanap ka na bang kapalit nu’ng umalis?” Tanong ko rito. Narinig ko naman itong napabuntong-hininga at padabog na inilapag ang hawak-hawak niyang papel. At dahil sa kaniyang ginawa, hindi ko naiwasan ang magulat at matakot sa kaniyang ginawa. “Sir, hindi naman ganun kadali ‘yong pinapagawa mo—” agad niyang pinutol ang kaniyang sinasabi ng bigla na lamang itong tumingin sa akin na tila may naalalang kung ano. “’Yong kaibigan ko po pala ang ipapasok ko rito, Sir Vincent. Sagot ko po iyong taong ‘yon. Mabait at masipag naman ang kaibigan ko. Kaya, pakiramdam ko, hindi ka magsisisi sa kaniya.” Tumango-tango na lamang ako rito habang nagsasalita ito. “Talaga bang mapagkakatiwalaan ‘yang kaibigan mo? Baka mamaya, ay bigla na lamang umalis ‘yan ng walang paalam?” “Sir, I swear to God! Hinding-hindi po kayo magsisisi sa kaniya. Masipag po talaga siya at dedikado sa trabaho.” Ani nito sa akin. Muli na lamang akong napatango rito. “Okay. Kung ganun, mas mainam at maayos ang mahahanap mong kapalit nu’ng umalis.” Saad ko kay Elice. Isang ngiti naman ang aking natanggap mula sa babaeng nasa aking harapan. Napailing na lamang ako at muli kong itinuon ang aking atensyon sa aming ginagawang pagsasa-ayos ng mga papel ng opisina. “Sir, puwedeng magtanong?” Napalingon naman ako rito ng bigla na lamang nagsalita si Elice sa akin. Napahinto naman ako sa aking ginagawa at mariin ko itong tinitigan deretso sa kaniyang mga mata. “Hindi pa ba pagtatanong ang ginagawa mo, Ms. Ybañez?” Sarkastiko kong tanong rito. Nakita ko namang itong napakamot sa kaniyang ulo. Ilang segundo pa ang lumipas ng muli kong narinig ang kaniyang tanong sa akin. “Sir, nagkaroon na po ba kayo ng first love? As in, ‘yong taong minahal mo talaga ng husto, ganun!” Ani nito sa akin. Agad naman akong napaisip ng marinig ko ang tanong na iyon mula kay Elice. At habang nasa malalim ako ng pag-iisip, isang pangalan ng tao ang agad na rumihestro sa aking isipan. “Honestly, mayroon akong nag-iisang first love noong College days ko. And, until now, narito pa rin siya sa puso at isipan ko.” “Wait, sir!” Agad itong tumayo mula sa kaniyang kinauupuan, na siya naman ikinagulat ko dahil sa ginawa nito. “Hindi po ba medyo alanganin ‘yong nararamdaman mo sa dating Mama ng anak mo? Siyempre, siya na ang asawa. Pero, may iba pa lang taong mahal ang asawa niya.” “Noong una, naisip ko rin iyan. So I decided, and just to be fair enough kay Eunice. I have to tell her about my past. Wala naman naging problema dahil tinanggap n’ya ako ng buo. Sa totoo lang, ang taong ‘yon ang nais niyang maging kahalili ko sa pagpapalaki kay Cheska, noong nabubuhay pa siya.” Bakas sa mukha ni Elice ang pagtataka sa mga sinabi kong iyon sa kaniya. Ngunit, dapat ko pa ba itong itago? Tutal, matagal na panahon ito nangyari. Wala ng rason para itago ko pa sa aking sarili. “Ang bait po pala ni Ms. Eunice. Pero, Sir, if you will be given a chance to be with that ‘someone’, will you take a risk not to marry Ms. Bianca?” Sa naging huling tanong sa akin ni Elice, hindi ko akalain na ito ang magiging tanong n’ya sa’kin. Napabuntong-hininga naman ako bago ko ito sinagot, “Yes. I am more willing to be with someone from my past, rather than to marry Bianca. Tutal, hindi n’ya naman tanggap ang anak ko. I have no reasons to marry her.” Sagot ko rito. Agad namang nanlaki ang mga mata ni Elice sa naging sagot ko sa kaniyang tanong. “Sir, bakit hindi n’yo pa po siya iwanan? O, ‘di kaya, sabihin mo na yaw mo na sa kaniya? Para sa ganun, wala na po siyang aasahan sa ‘yo na kasal.” Ani nito. “Hindi naman kasi ganun kadali sabihin ang bagay na ‘yan. Lalo pa’t, ibinuhos n’ya sa akin ang halos lahat ng buhay n’ya simula nu’ng nawala sa akin ang asawa ko.” Muli kong itinuon ang aking atensyon sa ginagawang pag-aayos ng mga papel. “Well,” huminto ito sa kaniyang pagsasalita at marahan na tumayo ito mula sa kaniyang kinauupuan. Nakita ko namang nilapitan n’ya ang litratong nakalagay sa aking cabinet. “Sir, ang ganda n’ya po pala, no? Matanong ko lamang po, ano po ba ang ikinamatay ng asawa ninyo?” Sa tanong na iyon sa’kin ni Elice, hindi na ako nasupresa pa. Inaasahan ko talaga na posible niya iyong maitanong sa akin. “She died because of a car accident.” Simpleng sagot ko rito. “May nakabanggaan po ba ang kotse ng asawa ninyo?” Muli nitong tanong sa akin. Napatingin naman ako sa tanong n’yang iyon. Nang wala akong sagot na maibigay sa kaniya, agad nitong kinuha ang pagkakataong iyon upang muling makapagsalita. “Kung walang nahanap na ebidensya ang mga pulis sa car accident ng asawa ninyo. Hindi kaya, planado ang bagay na ‘yon?” “What are you talking about, Elice? You mean, that accident was planned and intentionally?” “Siguro, Sir. Nakakapagtaka po na namatay ang asawa ninyo ng wala man lang kahit na anong ebidensyang nakukuha ang mga pulis,” muli itong bumalik sa kaniyang puwesto at ipinagpatuloy ang natigil na ginagawa. “Napakalabo po nu’n, Sir.” Dagdag n’ya pa. Muli akong napahugot ng isang malalim na paghinga matapos niyang sabihin ang bagay na iyon sa akin. Kung tutuusin, maaaring tama ang tinuran ni Elice. Napaka-imposible nga naman na walang ebidensyang nakuha ang mga pulis sa pagkamatay ng aking asawa. Kung sinadya man iyon, sino naman ang maaaring gumawa nu’n kay Eunice? Ang pagkakaalam ko ay wala itong naging kaaway o naging kagalit man lang. “Vincent, can we talk?” sabay kaming napatingin ni Elice sa may gawing pintuan, nang biglang may isang boses mula roon ang bigla na lamang nagsalita. Napahinto naman kaming dalawa ni Elice sa aming ginagawa at kapwa kami nagkatinginan na dalawa. Bago ako nagsalita, isang matalim na pagtingin ang aking ginawa kay Bianca. Alam ko na alam n’ya ang ibig sabihin ng aking tingin na iyon. “Ano naman ang dapat nating pag-usapan?” Seryosong pagsagot ko rito pabalik. “Tungkol sa nangyari nu’ng nakaraan. I just wanted to apologize for what I did to Cheska.” Marahan naman akong tumayo mula sa aking pagkakaupo. “Ms. Ybañez, iwanan mo muna kaming dalawa sandali. May mahalaga lamang kaming pag-uusapan.” Agad naman itong tumayo at hininto ang kaniyang ginagawa, “Sige po, Sir.” Matapos nitong sumagot sa akin, ay agad rin itong lumabas. “Sasabihin mo ba na, hindi mo iyon sinasadya? O, baka naman, masyadong pasaway ang aking anak para pagalitan mo nang ganun?” Deretso kong tanong rito. Nakita kong isinara ni Bianca ang pintuan at unti-unti itong naglakad papunta sa akin. Agad ko namang naramdaman ang marahan niyang paghaplos sa’kin. “Pasensya na sa nagawa ko kay Cheska. Nawalan lamang ako ng kontrol sa sarili ko, kaya ko nagawa ang bagay na ‘yon. Honestly, hindi ko naman intensyon na gawin iyon kay Cheska, Vincent.” “Bianca, hindi ko alam kung dapat pa ba kitang paniwalaan diyan sa mga sinasabi mo. Ang hirap, e. Lalo na nu’ng nakita kitang sinasaktan mo ang anak namin ni Eunice. Kung ako nga, hindi ko nagawang saktan ang anak ko. Ikaw pa kaya na wala namang relasyon sa amin, sa kaniya.” Sa mga sinabi kong iyon, naramdaman kong unti-unting napabitaw sa kaniyang pagkakahawak si Bianca sa aking braso. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkadismaya at lungkot, marahil ay dulot ng mga nasabi ko sa kaniya. “Vincent, I am your fiancèe. Bakit mo ako gina-ganito? Bakit mo ako pinahihirapan? Vincent, hindi pa ba sapat ang mga patawad na hiningi ko sa ‘yo?” Sunod-sunod na pagtatanong nito sa akin. Napa-iling na lamang ako sa mga tanong na ibinabato sa akin ngayon ni Bianca. “Mahirap para sa akin na patawarin kita ngayon. Lalo pa’t sobrang natakot ang anak ko sa ginawa mo sa kaniya,” dahan-dahan akong naglakad patungo sa litrato na kaninang hawak-hawak ni Elice. May ngiti sa aking labi na siyang nakakapagbigay sa akin ng kakaibang tuwa, habang pinagmamasdan ko ang litrato naming dalawa ni Eunice. “I think, in order for us to easily forget what happened, huwag muna tayong magkita na dalawa. Hindi ko rin alam kung tama pa ba ang nararamdaman ko sa ‘yo. Kung dapat ko pa bang ituloy ang pagpapakasal sa ‘yo.” Dagdag ko. Isang malakas na sampal ang aking natanggap sa nag-uumpisang galit ni Bianca. Hindi ko naman siya masisisi sa kaniyang nararamdaman ngayon. Ngunit, baka pagsisihan ko lamang ang bagay na ito, kung sakaling madaliin ko ang kasal na ninanais n’ya. “Gago ka ba, Vincent? Pinaasa mo ako ng mahabang panahon. Hindi kita iniwan kahit na alam kong wala kang nararamdaman para sa’kin. Tiniis ko lahat-lahat, pero nauwi lamang sa wala. Alam ko naman na gagawin mo ito sa akin, Vincent. Alam ko na sasabihin mo rin ito tulad ng inaasahan ko,” naglakad ito papunta sa pintuan. Mula rito sa aking kinatatayuan, ramdam na ramdam ko ang galit ng kaniyang puso dahil sa mga salitang binitawan ko sa kaniya. “Ito ang tatandaan mo, Vincent. We’re not totally done. Gagawin ko lahat ng makakaya ko, para lamang pakasalan mo ako. I can do anything, whatever it takes, Vincent.” Matapos niyang sabihin iyon sa akin, ay agad na rin itong lumabas ng aking opisina. Wala sa loob kong napaupo na lamang ako sa sofa na malapit sa cabinet. Isang malalim na paghinga ang aking muling ginawa. Para sa anak ko, handa akong iwanan si Bianca, huwag lamang siyang masaktan at mamaltrato ng hindi tama. I am willing to break up with her, rather that to be with her, with full of regrets. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD