“Kaya noong mga panahong iyon, ikinulong nila ako sa aming bahay. Bantay-sarado ako ng aking mga magulang. Walang oras o segundo na palagi silang naroon sa aking silid. Na sinisigurado nila na hindi ako makakatakas at makaka-alis ng bahay...” Ganito pala ang nangyari kay Vincent noon. Hindi ko alam na nahihirapan na pala siya noon sa kamay ng kaniyang mga magulang. Naging masama ba ako? Nagtanim ako ng galit sa taong mahal ko. Kahit na, hindi ko alam ang totoong dahilan kung bakit siya nawala at iniwan ako ng biglaan. Patuloy pa rin si Vincent sa kaniyang pagkukuwento. Habang ako ay nananatili pa ring nakatayo at tahimik habang nakikinig sa kaniya. “…para akong preso ako noong mga panahong iyon. Wala akong magawa kundi ang tumingin sa paligid ng aking silid. Kumain at matulog. Hindi ko

