“Siguro, Sir. Nakakapagtaka po na namatay ang asawa ninyo ng wala man lang kahit na anong ebidensyang nakukuha ang mga pulis. Napakalabo po nu’n, sir.” Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan o pagtuunan ng pansin ang naging pahayag sa’kin ni Elice. Dahil sa mga sinabi niyang iyon, unti-unti akong nagkaroon ng pagdududa at pagdadalawang-isip sa pagkamatay ni Eunice. Hindi kaya totoo ang naging turan sa akin ni Elice? Hindi kaya sinadya iyon? Ngunit, paano at bakit? Ano bang dahilan ng taong iyon para gawin ang ganung bagay kay Eunice? Napukaw na lamang ang aking malalim na pag-iisip ng bigla ko na lamang naramdaman ang paghawak sa aking balikat ni Manang Dory. “Ang lalim ata ng iniisp mo, Vincent. May problema ba?” Mahinahon nitong pagtatanong sa akin. Napahawak na lamang ako sa k

