S’ya ang unang lalaking minahal ko ng sobra, ‘yong lalaking masasabi kong, para sa akin talaga. Hindi ko inaasahan na mahuhulog ng husto ang loob ko kay Vincent. Masaya na ako sa kung ano ang mayroon kami ngayon. Dahil tulad niya, hindi pa rin ako handa na ipagtapat sa aking magulang ang tungkol sa aming relasyon.
Sa halos apat na buwan naming magkakilala, masasabi kong, tuluyan ng nahulog ang damdamin ko kay Vincent. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa tulad niya? Mabait, maasikaso, palatawa at laging inuuna ang kapakanan ko. Sa simpleng bagay na iyon na mayroon si Vincent, parang asawa na ang turing ko sa kaniya dahil sa pag-aalaga na ginagawa n’ya sa akin.
“Mukhang malalim ata ang iniiisip ng mahal ko, ah? Ano ba ‘yan?” Napatingin naman ako kay Vincent ng bigla itong nagsalita. Isang matamis na halik naman ang natanggap ko sa kaniya ng tumabi ito sa akin.
Napangiti naman ako sa ginawang iyon sa akin ni Vincent. Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng kakaibang kilig dahil sa paghalik sa akin ni Vincent. “Wala. Masaya lang ako na, ikaw ‘yong naging nobyo ko. Iyon ang ipinagpapasalamat ko dahil mayroon akong mabait at mapagmahal na Vincent sa buhay ko.”
“Kinilig naman ako sa sinabi mong iyan, mahal ko,” huminto ito sa kaniyang pagsasalita at marahan akong iniharap sa kaniya. “Jake, ikaw lang ang taong nakikita kong makakasama ko habang-buhay. Hindi ko siguro makakaya na, mawala ka sa akin.”
“Vincent, sino bang nagsabi na mawawala ako sa iyo? Narito lamang ako, palaging nasa tabi mo. Hinding-hindi kita iiwanan. Mahal na mahal kita, Vincent.” Ani ko sa kaniya.
Muli kong naramdaman ang kaniyang mga braso na unti-unting pumupulupot sa aking katawan. “Mahal na mahal rin kita, Jake. Alam ko na mahirap ang relasyon nating ngayon. Ngunit, ipinapangako ko sa ‘yo, na balang araw, maipagmamalaki rin kita at isisigaw ko sa buong mundo, na mahal kita.”
Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin ito pabalik at bigyan ng isang matamis na halik sa kaniyang labi. “Hindi mo naman kailangan gawin na ipagsigawan ako sa buong mundo. Sapat na sa akin ‘yong mahal mo ako. Kuntento na ako sa bagay na iyon, Vincent. Dahil ang mahalaga sa’kin ay ikaw, Vincent.” Nakita ko namang hinawakan ni Vincent ang aking kamay. Marahan niya itong hinaplos-haplos.
“Kung ayon ang gusto mo, ayon ang masusunod, mahal ko,” tumayo ito mula sa kaniyang pagkakaupo at marahan akong hinila ni Vincent patayo. Wala na akong nagawa kundi ang magpatangay na lamang sa kaniya. “Ikaw lang ang mamahalin ko at wala na akong ibang taong nakikita na mamahalin ko, bukod sa’yo.”
Matapos niyang sabihin iyon, ay agad na inakay ako ni Vincent papunta sa aming klase. At habang naglalakad kaming dalawa, hindi rin nakaligtas sa ibang estudyante na makita kaming dalawa ni Vincent na magkahawak-kamay.
“Mahal, nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko? Mahal!?” Awtomatiko akong napatingin kay Lester ng bigla na lamang ako nitong tinapik na siyang nagpagising sa akin.
“Ano ‘yon, Vincent? Wala ito. Huwag mo akong alalahanin.” Saad ko rito. Matapos kong sabihin iyon, ay agad akong napayuko sa harapan ni Lester. At nang mapagtanto ko ang aking nasabi sa kaniya, marahan akong napahawak sa akin noo.
Marahan na bumangon si Lester sa aking tabi at dahan-dahan ako nitong iniharap sa kaniya. “Tama ba ang narinig ko, Jake? Sino ang taong iyan? May bago ka na ba?” Sunod-sunod na pagtatanong sa akin ni Lester.
Dahil sa medyo humihigpit na ang pagkakahawak n’ya sa akin. Hindi na ako naging komportable sa mga tinging ibinibigay n’ya sa’kin. “Teka lang, Lester. Nasasaktan ako. H-hindi. W-wala akong ibang l-lalaki…” Ani ko rito ng nauutal.
Hindi agad naniwala sa akin si Lester sa mga sinabi ko sa kaniya. Bagkus, lalo n’ya pang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa akin, “Hindi ako naniniwala, na wala lamang iyon. Jake, kilala mo ako. Ayoko sa lahat ay ‘yong ginagago ako kapag nakatalikod ako. Kilala mo ako, Jake.” Napaluha na lamang ako ng walang ingat akong binitawan ni Lester.
At dahil sa lakas na kaniyang ginawa, naramdaman ko na lamang ang aking sarili na nakasandal sa headboard ng kaniyang kama. “Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin? Nagsasabi ako ng totoo, wala akong ibang lalaki kundi ikaw lang, Lester. Mahirap bang paniwalaan ang bagay na ‘yon?”
“Kung ang iniisip mo, ay ‘yong lalaking una mong minahal. ‘Wag ka nang mag-aksaya pa ng panahon sa kaniya. Kung mahal ka talaga nu’n, hindi ka niya hahayaan na maghintay sa kaniya ng matagal…” tumayo ito mula sa kaniyang pagkakaupo at nagtungo ito sa kaniyang working table.
At doon, may kung ano siyang kinuha na hindi ko alam kung ano, “…kaya ‘wag mo nang isipin pa ang taong iyon. Gusto mong maniwala ako sa ‘yo, ‘di ba?” Tanong nito sa akin. Agad naman akong tumango bilang pagsang-ayon ko sa kaniya. “Then, you should have s*x with me tonight. Ito lamang ang tanging paraan para maniwala ako sa ‘yo, Jake.”
Nang marinig ko ang nais nitong maging kapalit, marahan akong napayuko ng aking ulo. Nagdadalawang-isip ako kung papayag ba ako sa nais ni Lester. Masyado ng pagod ang aking katawan para ipaubaya ko pa sa kaniya ito. Nawawalan na ako ng respeto sa sarili ko, dahil sa pagmamahal na nararamdaman ko para sa kaniya. Tama pa ba ito?
Nang walang sagot na narinig si Lester mula sa akin, agad itong nagsalita. Kinuha niya ang pagiging tahimik ko upang muling makapagwila sa akin. “Hindi ko na kailangan pa ang sagot mo, Jake. Pumayag ka man, o hindi. Ako pa rin naman ang masusunod – dahil ako ang nobyo mo. At akin ka lamang, ganun rin ang katawan mo.”
Hindi ko na nakuha pang sumagot, nang bigla ko na lamang naramdaman ang mga kamay ni Lester na marahang hinahaplos ang aking katawan. Wala na akong nagawa kundi ang pagmasdan na lamang ang taong walang ibang ginawa, kundi ang gamitin ang aking katawan para sa personal niyang kagustuhan.
Dahan-dahan ako nitong inihiga, habang marahas n’ya akong hinahalikan sa aking mga labi. Ang kaniyang mga kamay naman ay patuloy lamang sa paglilibot sa aking katawan. Hindi ko magawang sagutin ang mga halik na iyon ni Lester sa akin. Hindi ko alam, ngunit wala akong nararamdaman na kahit na anong pagmamahal sa mga halik niyang iyon.
Nagulat na lamang ako ng isa-isa na niyang inaalis ang aking damit na suot-suot ko. Sinubukan kong huwag niyang hubarin ang mga iyon. Ngunit, mas malakas siya kumpara sa’kin. Kaya naman, nagtagumpay si Lester na maalis ang aking saplot sa katawan. Napaliyad naman ako ng madapo ang kaniyang kamay sa aking kaselanan habang ang kaniyang labi naman ay patuloy sa paglalaro sa aking magkabilang dibdib.
“Jake, hindi kita minamadali na may mangyari sa atin agad. Hindi rin kita pipilitin kung hindi ka pa handa na ibigay sa’kin ang katawan mo. Handa akong maghintay, hanggang sa dumating ang tamang panahon para ikaw ay maging handa.”
Napatingin naman ako kay Vincent ng bigla itong magsalita sa aking tabi. Sa nakikita kong reaksyon sa kaniyang mukha, masasabi ko na – seryoso ito sa kaniyang mga binitiwang mga salita sa akin. Lalo ko tuloy naramdaman ang pagmamahal sa akin ni Vincent.
“Vincent…” bahagya akong bumango sa aming hinihigaan upang mas masilayan ko pa ng malapitan ang kaniyang guwapong mukha. “…puwede nating gawin ang nais mo, rito sa mismong silid mo. Ano pa ba at naging mag-nobyo tayo, ‘di ba? Tsaka, ayos lamang sa akin, ikaw naman ang makakasama ko sa paggawa ng bagay na iyon.” Ani ko rito.
Nakita ko namang itong napangiti sa aking sinabi sa kaniya. Bumangon rin ito at bigla ko na lamang naramdaman ang malambot niyang labi na hinalikan ang aking labi. Sa pagkakataong iyon, marahan akong napapikit habang dinaramdam ko ang mga labi sa akin ni Vincent.
At sa halik niyang iyon, doon ko mas naramdaman ang pagmamahal na mayroon sa akin si Vincent. “This is not the right time to do that thing, Jake. Gusto ko, kapag ibinigay mo na sa akin ang katawan mo – ayon ang pagkakataon na legal na tayo sa mga pamilya natin. At ang pinakapangarap ko, ay kapag naikasal ka na sa akin.”
Napatawa naman ako ng bahagya sa kaniyang sinabi sa akin. Hindi ko naman intensyon na maliitin ang pangarap na iyon ni Vincent para sa amin, ngunit natawa lamang ako dahil iyon agad ang kaniyang naiisip.
“Hindi naman legal ang kasal rito sa Pilipinas, Vincent. Paano tayo makakapagpakasal na dalawa?” Tanong ko rito ng may halong pagtataka.
Nakita ko namang itong ngumiti sa akin. At sa mga ngiti niyang iyon, mas lalo akong nahuhulog sa lalaking nasa aking harapan. “Mayroon naman sa ibang bansa, tulad ng Taiwan at Thailand. Alam ko na malayo pa ang pangarap natin ito. Gusto ko lamang na maging handa para sa araw na iyon, mahal ko.” Ani nito sa akin.
Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili ng bigla ko na lamang siilin ng halik si Vincent sa kaniyang labi. Naramdaman ko rin na sinagot ni Vincent ang halik ko sa kaniya. At tulad ng aking inaasahan, walang pag-aalinlangan nitong nirespeto ang aking katawan. Agad kaming bumitaw sa isa’t isa upang ipagpatuloy ang natigil naming gawain.
Wala sa aking loob na maitulak ko si Lester na kasalukuyang nasa aking ibabaw. Hindi ko na masikmura pa ang mga ginagawa niyang pamba-baboy sa aking katawan. Sobrang laki ng kanilang pinagkaiba ni Vincent.
Matapos kong maitulak si Lester paalis sa aking ibabaw, hindi ako nagdalawang-isip na tumayo at kuhain lahat ng gamit kong nagkalat sa sahig ng kaniyang kuwarto. Agad kong isinuot ang mga iyon at inayos ko ang aking sarili.
“Kahit hindi ka na maniwala pa sa akin, wala akong pakialam. Hindi ko na masikmura pa ang ganitong bagay sa ‘yo, Lester,” agad kong kinuha ang aking bag na nakapatong sa kaniyang working table. Ngunit, bago ako tuluyang lumabas ng kaniyang silid. Nagbigay muna ako sa kaniya ng aking salita. “Malaki talaga ang pagkakaiba ninyong dalawa.”
Nakita ko naman na agad tumayo si Lester mula sa kaniyang kama. “Tama nga ang hinala ko. Oras na may nakita akong lalaki na kausap ka, hindi ako magdadalawang-isip na saktan iyon. ‘Wag mo akong subukan, Jake.” Tanging pagtitig lamang ang aking ginawa habang pinapakinggan ko ang mga banta n’ya sa akin.
Napabuntong-hininga na lamang ako matapos niyang sabihin sa akin ang mga iyon. “Magbanta ka nang magbanta. Wala ka namang makikita. Tsaka puwede ba? ‘Wag muna tayong magkita at mag-usap? Pakiusap lang?” Saad ko rito.
Hindi ko na hinintay pa ang kaniyang sasabihin, nang agad ko itong tinalikuran. Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking paglalakad upang mabilis na malisan ko ang lugar na ito. Ngayon, nagkamali ako sa pagkakakilala ko kay Lester.
Nagkamali ako na hinayaan ko siyang makapasok sa aking buhay. Hinayaan ko siyang lapastanganin ang aking katawan at pagkatao ko. Habang patuloy ako sa aking paglalakad, hindi ko maiwasang mapatanong sa aking sarili, ‘Kumusta ka na kaya, Vincent? Kilala mo pa kaya ako? Ako pa rin kaya ang mahal mo?’