Nakabibingi ang katahimikang naghari sa pagitan nina Sandra at Adriano pagkatapos nilang magtalik. His silence was defeaning. Para tuloy tinatambol ang dibdib ni Sandra habang hinihintay niya na magsalita ito. Wala siyang lakas para maunang magsalita. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. Everything happened too soon. At ayaw niyang isipin nito na nagkabiglaan lang sila ni Adriano kaya may namagitan sa kanilang dalawa. Kumilos siya para tumalikod kay Adriano. Umaatake na ang pagkapahiya niya. Ano na lang ang ang iisipin ni Adriano sa kaniya? Na napaka-cheap niya kaya isang kalabit lang nito sa kaniya ay bumigay na siya? Or worse--patay na patay siya rito? Pumulupot ang braso nito sa baywang niya. "Sandra..." tawag nito. Hindi siya kumibo. Naramdaman niyang pinaliguan nito ng ha

