Kalat na ang dilim nang magpasya ang magkasintahang Sandra at Adriano na bumalik na sa kanilang tinutuluyang hotel. Nakailang tawag na rin kanina sa kaniyang cell phone sina Edward, tinatanong kung nasaan na silang mag-nobyo. Kung sisipot pa daw ba siya sa despidida niya o hindi na. Tinawanan lang iyon ni Adriano at sinabing itatakas na lang daw siya nito dahil nais pa nitong masolo siya. Pumara na sila ng taxi na maghahatid sa kanila sa Hilton Hotel. Nang makasakay na sila at makaupo na sa loob ng taxi ay naramdaman niya ang pagod sa halos kalahating araw nilang pamamasyal. Pilya niyang binulungan ang kaniyang nobyo. "I'm tired. I don't think, we can do 'it' later." Tumawa nang malakas si Adriano sa sinabi ni Sandra. "You, silly witch. Of course, we can still do it later. Ako ang bah

