Chapter 1 - First Mission

3399 Words
Maaga gumising si Sandra para gawin ang kanyang kauna-unahan mission. Iyon ay ang pag-patay niya sa Presidente ng isang bansa. Kahit pipikit-pikit ay bumangon na siya sa kama at nag-unat. Nagtungo siya sa banyo at inayos ng sarili.   Ilan minuto lang ay lumabas na siya ng kwarto para pumunta sa kusina pero nakarinig siya nang malakas na alarm sa pasilyo. Alam niya na hudyat 'yon na pinatatawag sila sa meeting room kaya doon na siya dumiretso. Isang underground bunker ang hide-out na tinutuluyan ni Sandra. Mayroon itong siyam na level pababa na nakatabi sa isang burol. Ang unang level ay tinatawag na Entertainment Floor - dito ang sala at kusina. Idinisenyo ang Entertainment Floor na mayroon dalawang sofa sets sa sala na nakaharap sa isang wall mounted na flat screen television. Mayroon glass center table sa pagitan ng sofa at television. High ceiling din ito at mayroon chandelier sa tapat ng glass center table. Central air conditioning system din ang buong palapag at fully carpeted ang buong sala. Ang kusina naman ay mayroon rectangle eight-seater table. White tiles flooring and wallpaper. Sa gitna ay ang white marble countertop na mayroon oven at nagsisilbi din na divider ng mesa at kitchen. Wooden drawer was place above the kitchen wall. Sa left side ng countertop ay ang two-doors fridge. Ang pangalawang level naman ay Sleeping Quarter. Kasalukuyan naglalakad si Sandra sa pasilyo nito at patungo sa elevator. Magkakaharap ang mga pintuan sa loob. Ang isang kwarto ay mayroon floor size na 700 square meters. Wooden flooring ang ginamit sa Sleeping Quarters, dahil malamig ito sa paningin. Pagdating si Sandra sa harapan ng elevator ay pinundot niya ang elevator button sa gilid. Wala naman tao sa loob kaya bumukas ito ka agad. Pumasok na siya at pinindot ang fourth basement level. Bumaba ang elevator ay tumapat sa pangatlong level. Tinatawag nila na Training Grounds ang pangatlong level - dito kasi makikita ang designated training room. Lumagpas siya rito at tumigil ang elevator kasabay nang pagbukas ng pintuan. Isang mahabang pasilyo ng pang-apat na level ang bumungad kay Sandra. Naglakad na siya palabas at nagtungo sa meeting room. All blue ang disenyo ng Meeting Hall. Mula sa pasilyo hanggang sa meeting room. Tanging yellow dim light lang ang gabay na nasa pasilyo. Pagdating sa dulo ay nakita ni Sandra ang isang malaking wooden door. Tinulak niya ito at pagpasok sa loob ay nakita niya ang apat na lalake at isang babae na kumakain ng tsitserya. Magkakaharap ang mga ito sa isang 8-seater wooden round table habang nakatingin sa screen na nasa gitna ng mesa. Nakaupo sa gitna at saktong harapan ni Sandra, si Zept - na tumatayo na leader ng grupo - matipuno ang katawan; silvery blond hair ang buhok nito at blue eyes. Katabi nito ay si Philip na nagsisilbing backbone sa grupo, dahil siya ang pinakamatalino. Brushed up ang buhok nito at nakasuot ng white doctor robe. Si Ralph, na naka-upo nang nakaharap kay Sandra, habang pinaglalaruan ang dagger sa kanan kamay. Moreno na kalbo at mayroon matipuno na katawan. Katabi nito si Dan, na mayroon espada na nakapatong sa mesa. Sa gilid naman na isang pagitan mula sa kanan ni Dan, ay ang petite na babae na si Cath - abala sa pagkain ng tsitserya. Kulay puti ang buhok nito at na hanggang bewang. "You're late," Ralph said. Ngumisi si Sandra, at hindi pinansin si Ralph. Umupo siya sa tabi ni Dan, kaya nagitnaan siya nilang dalawa ni Cath. "Huwag mo ng pansinin yan," Dan said.. Tumango lang si Sandra at tumingin sa screen, kaya nakita ang tao na papatayin niya. Isang matandang lalake na meron makapal na puting balbas at kalbo. "Siya na ba ang target ko?" Sandra asked. "Oo, siguro naman handa ka na," Philip replied. Nakanguso na tumango-tango si Sandra, habang si Ralph ay nag-umpisa nang mang-asar. Lumapit siya at tumayo sa pagitan nina Sandra at Dan. Umupo siya sa gilid ng mesa na nakaharap sa dalawa. "Baka maihi ka sa takot," Ralph teased. Lumaki ang butas ng ilong ni Sandra at hindi mapigilan magngitngit ang ngipin, kasi pakiramdam niya ay binubulyawan siya. Napabuntong hininga naman si Dan sa pang-aasar ni Ralph, bago binalingan nang tingin. "Tama na nga 'yan Ralph, bumalik ka na nga sa upuan mo, nag-uumpisa ka na naman," Dan said. Pinasok ni Ralph ang daliri sa kanan tenga na parang nagtutuli. Tumayo siya at naglakad pabalik sa upuan. "Goodluck Newbie, mamatay ka sana sa mission mo," Ralph said, laughed ominously. Nanginig sa galit si Sandra at hindi na napigilan ang sarili. Tumayo siya at saka dinuro si Ralph. "Hoy kalbo," Sandra said, "ang yabang mo naman, may problema ka ba sa'kin?" Hindi pinansin ni Ralph si Sandra at nakangiti na umupo sa upuan habang nakatingin dito. Lalo naman nang-gigil si Sandra, pero hinawakan siya sa braso ni Dan. Nabaling ang tingin niya rito kaya nakita na seryoso ang mukha nito. "Umupo ka na," Dan said. Kahit nanginginig sa galit ay pinilit ni Sandra na pakalmahin ang sarili. Huminga siya ng malalim bago umupo. Pag-upo niya ay sakto na bumukas ang pinto. Tumingin siya sa direksyon ng pintuan kaya nakita ang isang babae na morena ang buhok. Humahangos ito habang nakasandal sa pintuan. "Amy, dito ka na lang malapit sa'kin," Sandra said. "Wait lang," ani Amy, at naglakad palapit sa bakante na upuan sa tabi ni Cath. Tumayo naman si Ralph, at nakangiti na sinalubong si Amy. Tinaasan niya ito ng kilay kaya natigil ito sa paglalakad. "Akala ko si Newbie lang ang late, ikaw rin pala," Ralph teased. Umiling si Amy, kasi pakiramdam niya ay nag-uumpisa na naman si Ralph. Alam niya ang ugali nito na malakas mang-asar, pero siya ang tipo na maiksi ang pasensya. Agad niya dinukot ang baril na nakasukbit sa likod at tinutukan si Ralph sa mukha. "Meron ka bang problema sa akin?" Amy asked. Nakangiti si Ralph na itinaas ang dalawa kamay na parang sumusuko. Dahan-dahan siyang umatras habang bumabalik sa upuan. "You're still fast as ever," Ralph said, sat down, "ang pagiging late ba ang itinuro mo sa Newbie?" Kumunot ang noo ni Amy, kasi na insulto siya. Hindi siya nagdalawang isip at agad pinaputukan ang gilid ng upuan ni Ralph. Nagkaroon nang kanya-kanyang reaksyon ang grupo sa pagpapaputok na ginawa ni Amy. Napabuntong hininga si Zept, habang si Philip, ay umiling. Inikot ni Cath ang mga mata at nagpatay malisya para ituloy ang pagkain. Napa-face palm naman si Dan, habang si Sandra ay napanganga sa gulat. Kumunot sa galit ang noo ni Ralph, dahil sa warning shot ni Amy. "Para san 'yon?" Ralph furiously asked. "Bwiset ka, umagang-umaga nag-uumpisa ka na," Amy replied, pointed the gun onto Ralph’s head. Naisip ni Dan na magkakaroon pa ng malalang away sa pagitan nina Amy at Ralph. Gusto na niya mag-umpisa ang meeting para matapos na at nang makapag-almusal. Dinampot niya ang espada sa mesa at hinarang sa pagitan nina Amy at Ralph. Lalong kumunot ang noo ni Amy sa pakiki-alam ni Dan, kaya dito niya ibinaling ang tutok ng baril. "Siguraduhin mo na mayroon kang maganda na dahilan," Amy warned. "Enough, both of you," Dan ordered. Alam ni Zept na mayroon punto si Dan, kaya tumayo na siya at lumapit sa mga ito. Naisip ni Cath na makikisali si Zept sa gulo kaya sinundan niya ito nang tingin. "Tama si Dan, magtungo na kayo sa upuan ninyo," Zept said. Ngumisi si Amy, at naglakad na patungo sa bakanteng upuan sa tabi ni Cath. Sumunod sa kanya si Zept, habang si Dan ay ibinaba na ang espada. Siniko ni Ralph si Dan, kaya napatingin ito sa kanya. "Bakit?" Dan confused. "Kung tumulong ka brad," Ralph replied, smiled, "malamang durog sa'tin si Amy." Narinig ni Amy ang sinabi ni Ralph, pero hindi na niya ito pinatulan. Ngumiti si Dan, at nakayuko na umiling. "Wala ka talagang kadala-dala," Dan said. Naglakad na si Dan pabalik sa upuan habang si Cath, ay nadismaya. Buong akala niya kasi ay makikisali si Zept sa gulo. "Sayang, akala ko labanan na," Cath replied, continued eating, "ang dami ko pa naman pagkain na dala." "Mag-umpisa na tayo," Zept said, yawned, "inaantok pa ako." "Ang lakas ng loob mo magpatawag ng meeting, tapos inaantok ka pa pala,” Philip said. "Si Amy kasi eh, kinulit-kulit ako kagabi." Sumandal si Amy sa upuan at humalulipkip habang nakataas ang kanan kilay. Pakiramdam niya ay sinisisi siya ni Zept. "So kasalanan ko ngayon?” Amy asked. "Wala akong sinabi," Zept said, looked at Philip, "ikaw na bahala." Tumango si Philip kasabay nang paghawi niya sa kaliwa sa harap ng screen. Binagsak ni Zept ang ulo sa lamesa, habang si Philip ay tumingin sa grupo. "I hope na aware kayong lahat na after 10 years ay ito ang first mission ni Sandra," Philip said. Sabay-sabay tumango ang grupo kaya inabot ni Philip ang isang folder kay Sandra - nakalagay sa loob ang profile ng target. Kinuha ni Sandra ang papel sa loob ng folder at binasa. Pinaliwanag naman ni Philip sa grupo ang mission. Ang target ay isang presidente ng bansa sa Eastern Europe. Sangkot ito sa s*****y at Human Trafficking na nagbibigay sa kanya ng malaking pera. Nagpapadukot ito ng mga bata, babae sa sariling bansa at dinadala sa ibang lugar, bago ibenta. Tumango si Sandra, at tinignan sa mas malaking image ang mukha ng target sa screen. Nakaramdam naman ng kaba si Amy sa mission ni Sandra, kaya tumingin siya rito. "Kaya ba?" Amy asked. "Oo naman," Sandra replied. Nakangiti na tumango si Amy, habang si Philip naman ay dinampot ang remote sa lamesa at pinindot. Lumabas sa screen ang bahay ng target kaya nagsalubong ang kilay ni Amy sa pagtataka. Two-story white mansion na mayroon malawak na garden sa labas ng bahay. Bush was behind the road through the mansion. Gazebo and huge fountain sa gitna ng garden to show off a vast fortune that came from s*****y and Human Trafficking. Naisip ni Sandra na malabo na magkaroon ng isang mansion ang ordinaryong presidente. Napagtanto niya na totoo ang nakalagay sa profile at kung saan ito sangkot. "How's that for a mansion?" Philip asked. "Ayos 'yan brad," Ralph replied. "Ayos talaga, kasi kapitbahay niya ay mountain range." Natawa si Ralph sa kakaibang taste na meron ang target. Tumango naman si Philip, bago tumingin kay Sandra. "Since this is your first mission," Philip said, explained, "papasukin sa bahay ang presidente at kasama ang mga bodyguards niya." Lumaki sa gulat ang mga mata ni Amy, dahil pakiramdam niya ay suicide ang mission ni Sandra. "Sandali nga, bakit kailangan pasukin sa bahay?" Amy asked. "Of course, para mas exciting," Philip said, looked at Ralph’s direction, "at dahil two-man standing cell ang mission, ikaw ang sasama." Naging maasim ang mukha ni Ralph, habang si Sandra, ay nagsalubong ang kilay. Tanggap niya ang mission at handang pumasok sa loob ng bahay mag-isa. Pero hindi niya tanggap na makasama si Ralph. "Sandali nga muna," Sandra chimed-in, "akala ko sa'kin ang mission na ito." "Oo nga, pero rules ng grupo ang two-man standing cell," Philip said. Ngumuso si Sandra, at saka sumandal sa upuan. Hindi naman maunawaan ni Ralph ang dahilan kung bakit siya ang ginawang partner ni Sandra. "Brad, bakit ako?" Ralph asked. "Well, ang sabi mo kasi ay mamatay na siya sa mission niya," Philip replied, sat on his chair, "kaya ikaw ang sasama para maging witness." Kumamot sa ulo si Ralph nang madiin na may kasamang gigil. Hindi naman palagay si Amy sa mission ni Sandra. Naunawaan niya na kung si Ralph ang mag-isa na papasok ay madaling magagawa ang pagpatay. Pero si Sandra na baguhan ay duda siya. Aminado kasi siya na hindi kakayanin ni Sandra pumasok mag-isa sa bahay ng presidente lalo na at heavily guarded ito. Naisip naman ni Cath na magandang panimula para kay Sandra ang mission. Ngumiti siya at inilagay ang isang box ng soda sa mesa. "Pustahan, sinong sasali?" Cath asked. "Para saan?" Dan puzzled. "Kung sino ang makakapatay sa presidente." Naisip ni Dan na si Ralph ang tinutukoy ni Cath. Alam kasi ng grupo na hayok sa pagpatay si Ralph, kapag inatake ng bloodlust. Naunawaan niya na baka si Ralph ang pumatay sa presidente kaya nag-aya ng pustahan si Cath. "Sige, kay Ralph ako," Dan betted. "Kay Sandra naman ako," Cath betted. "Ralph din ako," Philip betted. Nakayuko na umiling si Amy sa ginawang pustahan ng tatlo. Napanganga naman si Sandra sa gulat dahil pakiramdam niya ay laro lang sa kasama ang mission na gagawin. Tumawa naman si Ralph ng malakas na bumalot sa buong meeting room kaya nagising si Zept. "What did I miss?" Zept asked. "Pustahan," Cath replied, "kanino ka kay Sandra or Ralph?" "Huh? What's the catch?" "Partner sina Sandra at Ralph, tapos paunahan sila sa pagpatay sa presidente." Nakanguso na tumango si Zept, habang si Ralph naman ay lalong lumakas ang tawa. Naisip naman ni Sandra na lalo pa nagyayabang si Ralph, kapag pinustahan ni Zept. "Gusto niyo unahin ko na 'yong kasama ko," Ralph threatened. Lumaki ang butas ng ilong ni Sandra sa kayabangan ni Ralph. Pakiramdam niya ay lalo pa itong yumabang dahil sa pustahan na naganap. "Ano Zept, kanino ka pupusta?" Cath insisted. "Wala, kasi baka saan na naman mapunta," Zept said, looked at Ralph and Sandra, "Mag-asikaso na kayo." Tumango lang si Sandra, kaya tumayo na si Zept. Naglakad na ito palabas kaya sumunod sa kanya ang grupo. Nagtungo si Ralph sa kwarto niya para ayusin ang mga gagamitin sa assassination. Dahil gusto kumakain kaya si Sandra ay dumiretso sa kusina, kasama sina Dan at Cath. Pagdating sa kusina ay nagluto si Dan ng almusal. Sina Sandra at Cath naman ay naghintay ng pagkain . "Finally, real foods," Cath said. "Oo na, kaya wait ka lang," Dan said. "Dan, ako rin kakain ah," Sandra chimed-in. "Okay, just give me a minute para makapagluto." Bukod kay Amy, ay sina Dan at Cath lang ang nakaka-usap ni Sandra ng maayos sa grupo. Mas palagay ang loob niya kapag kasama ang mga ito. Si Dan na itinuring siyang nakatatandang kapatid habang si Cath na karibal pagdating sa paramihan nang kakainin. Ilan sandali lang ay natapos si Dan sa pagluluto. Dinala niya ito sa mesa kasabay nang pagpasok ni Ralph. Napansin ni Dan si Ralph na naka-ayos para sa mission. "Brad, kain muna," Dan offered. Inikot ni Ralph ang tingin kaya nakita si Sandra sa loob. Kumunot ang noo nang makita ito. Pakiramdam ni Ralph ay nagpapabaya si Sandra, lalo na at unang mission nito. "Hoy, baka naman gusto mo nang mag-asikaso," Ralph said. "Sandali, kakain muna ako," Sandra said. "Pwede mo naman gawin sa byahe 'yan." Napabuntong hininga si Sandra, at minabuti na sumunod na lang kay Ralph. Naisip niya na hindi dapat siya pumalpak. Lumabas na siya ng kusina habang si Ralph, ay umupo sa tabi ni Cath, saka kumuha ng pagkain. Nagsalubong ang kilay ni Sandra, at nang-gigil. Binawalan siya ni Ralph kumain pero ito naman ang kakain. Nagkibit balikat si Dan sa nangyaring palitan kina Sandra at Ralph. "Akala ko ba aalis na tayo?" Sandra asked. "Ikaw lang naman ang hinihintay," Ralph replied. Nagngingitngit ang ngipin ni Sandra na lumabas ng kusina. Nakasalubong niya si Amy, kaya nagtaka ito sa itsura ng mukha niya. "Ok ka lang ba?" Amy puzzled. "Humanda talaga sa'kin ang kalbo na 'yon," Sandra replied. Naisip ni Amy na mayroon na naman naganap sa pagitan nina Sandra at Ralph. Pakiramdam niya ay agrabyado na naman si Sandra. "Hayaan mo na," Amy said, rested her right hand on Sandra’s left shoulder, "mag-focus ka sa mission mo." Hindi maiwasan ni Sandra na kabahan, "sigurado ka ba talaga na ready na ako?" "Gawin mo lang ang mga itinuro ko sa'yo, I know you'll do well." Tumango si Sandra, at nagpunta na sa elevator. Humarap na si Amy sa direksyon ng kusina kaya nakita si Ralph na nakangiti habang kumakain ng egg sandwhich. "Are you done saying goodbye?" Ralph saked. "If something happens to her, I'll kill you," Amy warned. Ngumisi si Ralph, at naglakad palapit kay Amy, "tell her not to get in my way so she won't get caught, but I doubt it." "We'll see." Naglakad si Amy papasok sa kusina habang si Ralph ay nagtungo sa labas ng hide-out. Habang naglalakad sa pasilyo ay nakita niya si Sandra sa harapan ng elevator. "Hoy Newbie, sa labas na kita hihintayin," Ralph said. Hindi pinansin ni Sandra si Ralph at nanatiling naka-focus sa mission. Bumukas ang elevator kaya pumasok na siya sa loob. Dumiretso naman si Ralph palabas. Pagdating ni Sandra sa kwarto ay agad siyang kumuha ng bag. Lumapit siya sa wooden cabinet at binuksan ito. Bumungad sa kanya ang mga iba't-ibang klase ng baril na nakasabit. Kinuha niya ang isang Machine Gun Rilfe na M16 at 30-rounds magazine nito. Nilagay niya ito sa soft rifle cases bag at dumampot ng handgun sa loob. Pinili niya ang isang AMT Hardballer at dinampot ang dalawang extra magazine nito. Kumuha pa ulit siya ng extra 30-rounds magazine para sa M16. Pinalitan niya rin ang damit na suot. Pinili niya ang military green pants na tinerto sa plain black tee top at combat shoes. Tinilian niya rin ang buhok na kulay abo at nilagyan ng ponytail. Humarap siya sa salamin at tinignan ang sarili. Buo na ang loob ni Sandra, kaya tumango siya. Dinampot niya ang bag at naglakad palabas ng hide-out. Pagdating sa labas ay nakita niya si Ralph na nakasandal sa burol. Tumayo siya sa gilid at naghintay. Napansin ni Ralph sa bandang kanan ng kanyang mata si Sandra. Binaling niya ang tingin dito kaya hindi niya maiwasan matawa sa itsura nito. "Ano 'yan? Saan punta?" Ralph asked. "Sa mission, hindi ba obvious?" Natawa si Ralph nang malakas at lumapit kay Sandra. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Nabaduyan siya sa itsura nito kaya hindi niya maiwasan umiling. "Ayos sa get-up," Ralph said, "Camouflage pants tapos combat shoes." "Paki-alam mo ba? Saka," Sandra vaccilitated at tinignan si Ralph mula ulo hanggang paa. Nagsalubong ang kilay ni Sandra, nang makita na casual lang ang suot ni Ralph. White sneaker; blue pants; plain black fitted V-neck tee. Halata sa kasuotan ni Ralph ang matipunong katawan. Hindi makapaniwala si Sandra sa itsura ni Ralph. Pakiramdam niya ay lalabas lang ito at gagala. "Anong saka ang sinasabi mo?" Ralph said. Hindi maikakaila ni Sandra na bagay kay Ralph ang suot. Sumakto sa ripped body nito ang fitted V-neck tee. Kulay itim ito na sakto sa timpla ng blue jeans at white sneaker. Alam ni Sandra na hindi siya lulubayan ni Ralph, kapag sumagot kaya tumahimik na lang. Ilan sandali lang ay nagkaroon nang pagyanig sa labas ng hide-out kasabay ang pagbukas ng sahig. Nataranta si Sandra, at nagmamadali na dumapa. Lumabas ang helicopter at nagkaroon ng helipad sa labas ng hide-out. "May lindol!" Sandra yelled. Tumawa si Ralph nang malakas sa naging reaksyon ni Sandra. Umiling siya sa pagiging inosente nito. Naisip naman ni Sandra na nagyayabang parin si Ralph, na kahit lumilindol kaya tumingin siya rito. Pipikit-pikit siya sa gulat nang makita ang isang helicopter sa harapan. Agad siyang tumayo at lumapit dito kasabay ang pagbukas ng pinto. Lumabas si Philip, kaya natigil si Sandra sa paglapit. "Saan galing ito?" Sandra asked, pointed the helicopter. "Sa parking," Philip replied. "Huh? Parking? Kailan pa nagkaroon ng parking lot ang helicopter?" Napabuntong hininga si Philip nang nmapagtanto na hindi lumalabas si Sandra sa kwarto. Pakiramdam niya ay wala itong alam sa structure ng hide-out nila. "Ganito kasi 'yan," Philip said, explained, "ang eighth at ninth level ay parking space at runway na konektado sa burol at dito sila lalabas sa itaas." Nakanguso na tumango si Sandra, habang si Ralph ay naglakad na palapit sa helicopter, "brad, may lindol daw." Pumasok si Ralph sa helicopter kaya sumunod si Philip. Lumaki lang ang butas ni Sandra, dahil pakiramdam niya ay ginagawa siyang walang alam ni Ralph. Nakaramdam siya ng labis na pagka-asar kay Ralph, pero ayaw niya mawala sa focus. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. Sumakay na rin siya sa helicopter kaya nakita si Philip ang piloto nito. Umupo siya sa harapan ni Ralph, at tumingin sa labas. "Tara na," Phili said, started the engine. Pagkalipad pa lang ng helicopter ay nakaramdam si Sandra nang pagka-inip. Wala siyang ideya sa tagal ng byahe kaya tumingin siya kay Philip. "Malayo ba ang pupuntahan natin?" Sandra asked. "2 hours," Philip replied.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD