Nang makalabas na si Tiago para asikasuhin ang asawa nya sa itaas ay naiwan akong mag isa sa opisina. Kanya kanya akong ligpit ng mga nagkalat na papeles sa lamesa ko para sana umuwi na. Pero nang mapadaan ako sa lamesa na pinaggawaan ni Valen kanina ay may napansin akong isang maliit na itim na flash drive. Naiwan nung supladong IT guy! Dali dali ko itong kinuha at mabilis na naglakad palabas ng opisina. Naabutan ko si Valen sa mismong parking lot ng mansyon. Nakasakay na sya sa itim nyang motorsiklo at isusuot na sana ang helmet nya nang tawagin ko sya. "Valen! Teka lang!" hinihingal kong tawag habang naglalakad palapit sa kanya. Huminto sya at tinignan ako gamit ang malamig at blangko nyang mga mata. "Ano?" Inabot ko sa kanya yung flash drive. "Naiwan mo sa lamesa. Buti na lan

