Walang tigil ang pag-ikot ng sikmura ko. Halos hindi ako nakatulog kagabi. Bawat pagpikit ng mga mata ko, bumabalik sakin ang huling sinabi ni Valen sa labas ng gate namin. Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko hanggang sa sumikat ang araw, hawak nang mahigpit ang puting panty na ibinalik nya sakin. "Kasabwat na kita sa pagnanakaw ng files nya. Isang maling galaw mo lang, tayong dalawa ang makukulong. Kaya simula bukas, gusto ko sakin ka na susunod. Hindi na sa Kapitan mo." Paulit-ulit na nag-eecho sa utak ko ang malamig nyang boses. Pakshet. Ano bang pinasok kong gulo? Akala ko kapag nakuha ko na ang password ni Kapitan Tiago ay matatapos na ang kalbaryo ko sa supladong IT guy na yon. Pero hindi. Mas lalo nya lang akong itinali sa leeg! Ngayon, parehas kaming may hawak na alas. Pw

