❀⊱Genevieve's POV⊰❀ Unti-unti kong iminumulat ang aking mga mata. I can feel the intense pain in my body, especially in my sensitive areas. Kumakabog ang puso ko sa takot, kaya muli kong ipinikit ang mga mata ko. Ayokong makita kung anong nangyari sa akin. Pero ramdam na ramdam ko ang mabigat na bagay na nakadagan sa akin, at alam kong braso ito ng isang lalaki. Ang bigat ng braso niya ay tila nagpapahirap sa akin sa pagkilos, kaya kahit na anong gawin ko... hindi ko magawang gumalaw nang maayos dahil ayokong magising kung sino man ang lalaking katabi ko sa kama. Mabilis na tumitibok ang puso ko, and even though I was terrified, I slowly opened my eyes. Nang tuluyan ko ng maimulat ang mga mata ko, gulat na gulat ako nang makita ko si Ezi na tulog sa tabi ko, nakayakap ang braso niya sa

