┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Nakakainis talaga ‘yung lalaking ‘yon! Bwisit talaga siya!" Inis na sabi niya habang nanggigigil ang boses niya dahil sa mga sinabi ng asawa niya. "Isipin mo, bes, ikinakahiya niya ako. Ako ba talaga?! Dahil lang sa nerdy kong itsura? Sa kapal ng salamin ko, sa kilay kong parang may sariling buhay, at sa style kong laging parang pa-science fair? Ikinakahiya niya ako sa mga kasosyo niya sa negosyo kaya hindi nila dapat malaman na mag-asawa kami? So... kapag nilapitan siya ng isang babae at lumingkis sa kanya, okay lang? Basta hindi dapat malaman ng lahat na ako ang asawa niya? Nakakaloka siya, bes. Nakakagigil ang lalaking 'yan na akala mo ay kung sinong gwapo." Muli pa nitong sabi. Gigil na gigil talaga ito kaya bumubungisngis lang ang kanyang kaibigan. Inirapan niya si T

