┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ -Continuation... Hindi na naabutan pa ni Ezi ang kanyang asawa at ang kaibigan nito ng sumara ang elevator. Gusto man niya itong sundan ay hindi na niya ginawa. Bumalik na lamang siya sa labas upang harapin ang mga lalaking bumastos sa kanyang asawa. May mga security guards na ng resort ang nakapalibot sa kanila, at nakatawag na rin ng pulis ang mga staff ng resort. Galit na galit na sinugod ni Ezi ang lalaking yumapos kay Genevieve. Isang malakas na suntok ang pinakawalan niya, at tumama ito sa panga ng lalaki, dahilan para mapaatras ito at matumba. Pero hindi pa doon natapos si Ezi. Sa gitna ng sigawan at pagkabigla ng mga taong nag-uusyoso sa mga nangyayari, sinundan niya ito ng isang malakas na tadyak sa dibdib ng lalaki. Bigla naman siyang niyakap ng kanyang kakamb

