Genevieve's POV Ang sabi nila mommy ay pupunta sila Enzo ngayon dito sa bahay namin upang pag-usapan ang kasal naming dalawa. Maikasal man kami ay sisiguraduhin ko na isang linggo pa lang ay makikipag divorce na siya sa akin. Ayoko kayang makasama siya ng matagal sa iisang bahay. Nasusuklam ako sa kanya, at kahit na ano pa ang gawin niya ay hindi na mababago pa ang nangyari nuon sa amin. Hinding-hindi ko makakalimutan na sa batang edad namin nuon ay sinampal niya ako. I despise him with every fiber of my being dahil sa ginawa niyang 'yon sa akin. Napatingin ako sa salaming kaharap ko, wala akong make-up ngayon, kitang-kita ko ang kagandahan ng mukha ko... ang natural na mukha ko na walang kahit na anong make-up at pagpapanggap. Humugot ako ng malalim na paghinga, nakatitig lang ako sa sa

