Sabado ng umaga. Ang hangin sa Tagaytay ay malamig at may halong amoy ng bagong gising na mga puno. Sa malawak na bakuran ng bahay, tumatakbo ang triplets—si Sky may hawak na toy plane, si Snow at Callum naman ay nag-aagawan sa frisbee na halatang hindi pa nila alam kung paano gamitin nang maayos. Si Alyssa, nakaupo sa veranda, hawak ang tasa ng tsaa habang pinagmamasdan ang tatlo. Ilang araw na rin siyang hindi mapakali. Kahit wala siyang sinasabi sa mga bata, ramdam niya na mas mabilis siyang mapagod, mas madalas siyang mapatingin sa malayo, at mas mabigat ang bawat paghinga niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit—pero parang may humahabol sa kanya kahit tahimik ang paligid. “Knock, knock!” masiglang boses ang umalingawngaw mula sa gate. Lumingon siya at nakita si Sera, nakangiti

