Sa gitna ng katahimikan ng Tagaytay, kung saan ang mga ulap ay tila kay lapit at ang hangin ay may halong lamig at laya, naroroon ang isang paraiso na hindi alam ng mundo — isang tahanan na itinayo hindi para magtago, kundi para huminga. Dito nakatira ang totoong Alyssa Ann Ramirez. Hindi si Yssabelle Laurent. Hindi ang Queen of Véraise. Hindi ang reyna ng vendetta. Ngayon, siya lang. Isang ina. Isang babae. Isang nilalang na minsang giniba… pero mas piniling bumangon. Nakapamewang si Alyssa habang pinagmamasdan ang tatlong munting nilalang na nagtatakbuhan sa damuhan. Ang tatlong triplets — dalawang lalaki, isang babae — ay tila mga alon ng araw at huni ng hangin. Halakhak. Sigawan. Walang pakialam sa mundo. “Sky, not too far!” tawag niya sa panganay. “Okay, Mommy!” balik ng bata

