Pagdilat ng mata ni Sky, una niyang naramdaman ang bigat sa dibdib—hindi dahil sa pagod, kundi sa mga tanong na hindi niya alam kung paano sisimulan. Katabi niya si Callum na mahimbing pa rin ang tulog, at sa kabilang kama si Snow, nakayakap sa paborito niyang stuffed bunny. Tahimik ang buong suite. Parang isang malaking tanong markang nakabitin sa ere. Tahimik siyang bumangon at bumaba sa kama, dinampot ang tablet mula sa desk at naupo sa reading nook. Ilang segundo lang, nagpakita muli ang screen ng litrato ni Liam Navarro, mula sa isang lumang gala event. Nasa tabi niya si Alyssa… ang Mommy nila. Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan sa reading nook, bumuntong-hininga si Sky. Hindi siya sanay na makaramdam ng ganitong klase ng kaba—yung tipong tahimik lang sa paligid pero parang

