CHAPTER 20

860 Words

Tahimik ang gabi sa Navarro Estate, pero parang tulog lang ang buong paligid — sa loob ni Liam, walang katahimikan. Nasa silid-aklatan siya, nakasandal sa lumang bookshelf na punong-puno ng lumang libro at mga lumang larawan ng pamilya. Sa tabi niya, isang baso ng whiskey na hindi na niya maubos-ubos. Kanina pa niya tinititigan ang hawak na picture frame — wedding photo nila ni Alyssa. Isang frame na dati niyang ikinahiya, itinago sa pinakasulok ng study room niya. Pero ngayon, bakit ba’t tila hindi niya kayang ibaba ang larawan? Naalala niya ang gabing iyon — ang puting gown, ang malamig na ballroom, at ang mga matang kahit pilit ngumiti, halata mong lumuluha sa loob. Ngumiti siya noon. Oo, ngumiti siya para sa mga bisita — pero alam niyang siya mismo ang pumatay sa ngiti ni Alyssa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD