Mataas na ang araw nang dumating si Liam sa Navarro Mansion mula sa meeting. Tahimik siyang pumasok, binuksan ang butones ng manggas habang sinusundan siya ng isa sa mga maid na nag-aabot ng tubig. Hindi niya napansin kaagad na kakaiba ang paligid — walang Alyssa na magtatangkang sumalubong para kumustahin siya, para tanungin kung kumain na ba siya, o para asikasuhin kahit pa madalas niya itong isnabin. Umakyat siya sa second floor, tahimik na binuksan ang pinto ng kwarto nila. Saglit siyang natigilan. Malinis ang kama, pero may kulang — wala ang maliit na bag na madalas bitbitin ni Alyssa, wala rin ang coat niya sa upuan na madalas iwanan nito. Napakamot siya sa batok at tinignan ang dresser. Wala rin ang maliliit na pabango na lagi nitong inaayos. Yung mga makeup kit na dati niyang ti

