Matagal-tagal na rin mula noong huling lumabas sa publiko si Yssabelle Laurent bilang co-owner ng Véraise, ang luxury brand na kinikilala ngayon sa buong Europe. Hindi siya ang mukha ng brand, kundi si Seraphine Amara del Monte—ang eleganteng babae na kilala bilang matapang, may paninindigan, at halos palaging laman ng fashion editorials. Pero ang tunay na kaluluwa ng brand? Ang misteryosang masked queen na bihirang makita at higit pang bihira ang nagsasalita. At ngayong araw na ito—ang second public appearance niya bilang co-owner ng Véraise. Sa loob ng limo habang binabaybay ang mabagal na trapiko ng Paris, nakatingin lang si Yssabelle sa bintana. The city was golden under the late afternoon sun, halos kasing kinang ng lining ng kanyang signature mask—a sleek black velvet with subtle g

