“Ma’am Yssabelle, final check po for the red carpet. Nasa holding area na rin po sina Miss Sera at ang mga bata,” ani ng assistant niya habang maingat na inaayos ang train ng kanyang gold and emerald gown. Nakasuot siya ng signature mask ng Véraise—isang eleganteng gold mask na may embroidered vines sa gilid. Wala ni isa sa crowd ang may ideya na ang reyna ng fashion empire ay si Alyssa. Huminga siya nang malalim, pinakiramdaman ang t***k ng kanyang puso habang dinig na dinig sa labas ang hiyawan ng press at ang musika ng eleganteng event. “Ready ka na ba, Yssa?” tanong ni Sera na ngayon ay nakasuot rin ng haute couture creation ng Véraise. Ngumiti si Alyssa sa likod ng kanyang maskara. “As ready as I can be.” Sa kabilang dako ng siyudad... “Boss, may bago kayong email… teka, parang

