Dalawang linggo bago ang fashion clash, ramdam ang tensyon sa buong industriya. Sa bawat social media feed, puro countdown, speculations, at leaked rumors ang laman. Sa headquarters ng Véraise, nakaupo si Yssabelle sa design studio, tahimik na nakatutok sa mahahabang fabric rolls na nakalatag sa harap niya. Habang abala sa sketches, nakatayo sa gilid si Sera, ang opisyal na face of Véraise at Vice President ng kumpanya. Kahit kabado, confident ang ngiti ni Sera. “Yssa, lahat ng tao sa labas… sobrang taas ng expectation. Lahat naghihintay kung paano mo tatalunin si Bianca.” Ngumiti lang si Yssabelle mula sa likod ng maskara. “That’s the point. I won’t just beat her. I’ll make her realize… there was never a competition to begin with.” Samantala, sa Cruz Group, ibang-iba ang eksena. Hal

