Sigawan. Flash ng mga camera. Takbuhan ng mga tao. Sa gitna ng kaguluhan, duguang bumagsak si Liam matapos siyang tamaan ng bala. “L-Liam!” halos pasigaw ang tinig ni Alyssa habang mabilis siyang lumapit at sinalo ito bago tuluyang mabuwal. Agad ding dumating sina Darren at Ethan, parehong nanlalaki ang mga mata sa nakita. “Liam! Damn it, stay with us!” sigaw ni Darren, agad na lumuhod. “Hold on, Liam!” ani Ethan na halatang nagpa-panic. Mahina ngunit mariin, hinawakan ni Liam ang kamay ni Ethan. “E-Ethan… Darren…” halos pabulong ngunit mariing tinig. “Don’t… don’t let Markus fled away. Huwag niyo siyang hayaang makatakas…” “Liam—” “Go!” halos pasigaw niyang utos, mariin ang titig. Nagkatinginan sina Darren at Ethan, parehong mabigat ang dibdib, ngunit wala nang oras para mag-at

