Ang simoy ng Tagaytay ay malamig at kalmadong bumabalot sa mga bintana ng isang modernong villa na nasa itaas ng burol. Sa loob, punô ng buhay ang isang bahay na minsan ay naging kanlungan ng paghilom — at ngayon, tahanan ng isang muling bumabangon. “ Sky, huwag mo akong iiwan!” sigaw ni Callum habang habol ang hakbang kay Snow at Sky na parehong naka-uniform na. “Mommy! Si Callum ayaw mag-toothbrush!” reklamo ni Snow, sabay turo sa kapatid. Tahimik na ngumiti si Alyssa Ann Ramirez habang inaayos ang kuwelyo ng uniporme ni Sky. Naka-neutral tone siyang blouse at trousers — polished, but soft. She wasn't Yssabelle Laurent today. “Callum, come here. One minute lang, promise,” malambing niyang sabi, sabay tayo at hinawakan ang maliit na kamay ng bunso. Matapos ang ilang habulan at tawana

