Hemira 33 - Mormo Kinagabihan... Naririto na kami nila Gining Lydia at Mariyam sa kanilang silid. Tatlo lamang kami ritong mga babae at sila Yohan at Euvan naman ay sa sala matutulog. Binigyan na sila ng panlatag doon at sana'y walang away na mangyari sa kanila. "Hemira, nilatagan na kita rito sa aking tabi. Kung si Mariyam kasi ang iyong makakatabi ay baka masipa at masuntok ka niya sa likot ng batang ito matulog." nakangiting wika sa akin ni Gining Lydia. Napangiti naman ako. "Salamat po." Hinubad ko na ang aking suot na itim na kapa at naiwan sa akin ang simpleng kasuotan kong itim pa rin. Lumapit na ako sa kaniya at umupo sa kaniyang nilatag. Tiningnan ko si Mariyam na nasa kaniyang kabila at mahimbing na ang tulog nito. Hinaplos niya ang ulo nito at hinalikan sa noo. Napang

