Hemira II - Panibagong Kalaban ~Yohan~ Naghahanap ako ngayon ng mapagtataguan kahit na alam kong walang ligtas na lugar sa ngayon. Hindi ko 'to ginagawa dahil naduduwag ako. Kung mayroon kasing mangyayari sa 'kin, babalik ang lahat ng mga sinummon ko sa 'kin at mababawasan ang pwersa namin kaya kailangan ko munang itago ang sarili ko. Wala rin naman akong maitutulong sa ngayon dahil wala ang pana ko sa 'kin at halos kakaunti pa lang ang bumabalik sa 'king mahika. Ang puwede ko lang magawa ngayon ay lumipad gamit ang mahika ni Aella na hangin pero wala namang maitutulong 'yon ngayon. "AERIN! NASAAN KA?! AERIN!" Napatingala ako dahil narinig ko na naman ang boses ni Mades. Si Mades nga 'yon na nakasakay sa banik. Kahit na hindi na maganda ang itsura at lagay niya, mukhang wala siya

