CHAPTER 2: Witches meets Witch Hunter, Again

1253 Words
CEDRIC'S POV "Nakita niyo na ba ang post sa bulletin?" Tanong ni Lauren na nakakuha ng attention ko. "Bakit may ano?" at ang tsismoso na si Bren. "May lumitaw na witch sa Kendal kahapon" "Hindi ba't duon kayo dumadaan tuwing uuwi kayo?" tanong pa ni Bren. "Duon din ang daan mo, hindi ba?" "Hehe, hindi kasi ako umuuwi" sa bar ang uwi ng lalaking 'to. "Mas mabuting mag-ingat na rin kayo. Maingat na ang mga witch ngayon dahil sa existence nating mga hunter" "Pero sa ngayon, mga normal witch palang ang na-eencounter natin. Hindi pa ang mga noble witch na doble ang lakas sa mga normal" paglapag ni Dren ng papel sa table ko pagkapasok na pagkapasok niya ng room, "Magkakameeting ang council after class. H'wag kang malelate, Cedric" Bumaba ang tingin niya kay Bren. "Ikaw, witch ang target natin at hindi mga babae. Umuwi ka sa bahay paminsan-minsan" "Haha! paano 'yon, ako ang target ng mga babae?" "Lauren, any opinion?" Pero natawa lang si Lauren dahil sa kambal. Sakto namang tumunog ang bell dahilan para magsibalikan kami sa mga upuan namin. Kinuha ko ang mga papel na iniwan sa akin ni Dren, ito 'yung mga list ng lugar kung saan may mga iniwang bakas ang mga witch. At kabilang sa lugar na 'yon ay ang Kendal at ang gate ng Magenta. Sa harap mismo ng Magenta? Dahil sa katanungan sa isip ko, hinintay ko ang oras kung kailan magkikita-kita ang mga student council. "Anong ibig sabihin na nakitaan ng trace ng witch sa harap mismo ng Magenta na hindi agad nalaman ng Magenta?" bungad kong tanong bago pa man ako makaupo sa upuan ko. "Umupo ka muna, Cedric" si Zhara, ang Vice President ng Council. "About sa tanong mo, faint trace lang ang nakita dahil isa itong half-human. Base sa report, naencountered mo siya" huminto siya sandali at itinaas ang papel na katulad ng hawak namin, "Simula ngayon, sisiguraduhin ng council na walang mga taong pumupunta sa mga marked area na makikita sa papel na ipinaabot ko kay Dren" Mikael Saviano, ang kanang kamay ng chairman ng Magenta. Siya rin ang President ng student council. At ang pinakamalakas na witch hunter sa Magenta na kayang kumontrol ng Electrical Element which is natatanging element sa campus na 'to. "Sa isang araw na darating ang bagong supply ng mga elixirs. Dalawang box ito para sa mga first year. Kayo na ang bahala dito, Cedrick at Dren" at tumango kami. "Kung may tanong kayo, lapitan niyo lang ako" Matapos ng mabilis na meeting, bumalik na ako sa room para kuhanin ang bag ko. Pinauna ko na rin si Lauren dahil may dadaanan pa ako bago umuwi. Matapos kong magpasa ng group project, nagmadali na akong lumabas ng Magenta. Pagkauwi ko, hindi nanaman maalis ang tingin ko ang card na naiwan sa akin. Napapaisip ako sa dapat kong gawin kaya naman binuksan ko ang laptop ko. Naningin ako online ng same card pero wala akong makita kaya naman, unique card nalang ang napili kong i-check out. Inabot ng isang araw bago ito nadelivered sa akin. At sa hapon ding iyon, dumiretso ako papunta sa Hanover Academy. Kung hindi ako nagkakamali, ang skirt na suot niya ay ang unifrom ng Hanover Academy. Kahit hindi ko alam kung anong itsura niya, nagbakasakali narin ako. Pero mukhang huli na ako dahil wala ng tao sa Academy. Isang lugar nalang ang pwede kong puntahan. Ang Kendal. Nilakasan ko na ang loob ko. Isa akong hunter, hindi ako dapat matakot dahil lang sa isang witch lalong-lalo sa isang half witch. Nang makarating ako sa eskinita, may dalawang boses akong naririnig habang naglalakad ako papasok dito. "Hindi 'yan~ busy 'yung batang 'yon. Magtiwala ka saken, hindi tayo mahuhuli" pamilyar na boses ng babae. "Ilang taon na ba akong nagtitiwala sa'yo, at ilang taon na rin ba akong nadadawit sa kalokohan mo?" sagot naman nung isa. Pagliko ko, sumalubong sa akin ang mga tingin nilang dalawa. Dumapo 'yung tingin nung isang babaeng may maikli at kulot na buhok sa hawak kong box of card at dali-dali niyang kinuha ang scarp niya na napakabilis niyang binalot sa mukha niya. "Huli na, Stacey. Ang patayin nalang siya ang natitirang option mo" sabi nung babaeng may poker face kaya napaatras ako sa seryoso ng expression niya. "Gusto ko lang palitan 'yung card mo" "Hindi mapapalitan ng normal na cards ang cards ko. M-makakaalis ka na" Nadispoint man ako, inilapag ko sa table ang card. "May lumitaw na witch sa area na ' to kahapon. Mas mabuti pang h'wag na kayong magtagal dito" tinignan ako ng napakaseryoso nung isang babaeng kasama niya. Seryoso na parang pinag-aaralan niya kung anong nasa isip ko. "Aalis na ako. Umalis na rin kayo. Pinagbabawal na rin ang pagpunta sa lugar na 'to, ayon sa Magenta" tinitigan lang ako nung kasama niyang babae habang nanatiling tahimik 'yung Stacey. "Ito na sana ang huling pagkikita natin" kasunod ng pagtalikod ko sa kanilang dalawa. "I don't think so" huminto ako para lang lingunin si Stacey. "Aalis ka na diba?" pagsingit nung kasama niya kaya tinalikuran ko na silang dalawa. Nagpatuloy na ako sa paglalakad palabas ng eskinita na parang walang nangyari. Napatigil naman ako nang may mapagtanto ako, ah, hindi ako nakapagpasalamat. STACEY'S POV "May balak ka bang ibunyag na isa kang witch?" nagagalit na ang nanay niyo. Nakakunot na ang noo ng nanay niyo! Naka crossed arm pa 'yan. Umiling ako na halos kulang nalang baliin ko leeg ko, "Marami pa akong pangarap, hehe" Sa isang iglap, nawala ang ngiti ko at mas sumeryoso ang mga tingin ni Avvian na mabilis na pumunta sa harap ko, akmang poprotektahan ako. "Naka-amoy ako ng hunter dito, at mukhang hindi kayo ang naamoy ko" paglitaw ng isang babae mula sa dilim. May hawak siyang wand habang nakasakay siya sa isang walis. Puti ang mahahaba niyang buhok, iyon palang, hindi ko na kailangang sabihin kung ano siya. Pero hindi siya normal witch, kung hindi isang noble witch. "Oh?~ kailan pa naging aso ang mga witch? 'di ata ako na orient?" at syempre hindi 'to pinalampas ng nanay niyo na tinignan ako ng masama kaya nanahimik nalang ako. "Anyway, hindi naman kabilang sa target ang mga mortal. Umalis na kayo bago pa magbago ang isip ko" isa lang ang target ng mga witch, ang mga hunters na sumasagabal sa bawat plano nila. Pero kahit sila ang target nila, nadadawit parin ang mga inosente. "Ikaw ang lilitaw-litaw sa harap namin tas ine-expext mo na kami ang aalis? Well, wala rin naman kaming balak na patakasin ka" Umirap ang loko, "Huh? anong magagawa ng isang normal na tao?" This time ako naman ang umirap, di tayo papatalo. "Sino ba kasing nagsabing normal na tao lang kami?, et nasopalatina" lumitaw ang wand ko at nasunog ang inuupuan niyang walis, ending nahulog ang bruha. "W-witch?.." "Saan na napunta 'yung tapang mo? lakas mong umirap kanina" tumayo ang bruha at naghanda siya sa laban na akala mo ay aping-api, "pila calidus" at kala mo may balak siyang gumawa ng napakaraming araw sa paligid niya. Wala siyang pag-aalangan nang ihagis niya 'to sa amin ni Avvian, "magicis obice" boses nung guy kanina na bigla nalang sumulpot sa eskinita kaya mabilis kong tinago ang wand ko sa taranta ko. Lumitaw ang isang magical barrier na sumapo ng ataki nung bruha. Napameywang ako at napangising hinarap siya na hindi pinapahalata kung gaano ako nataranta, "Oh, nice to see you again~ ito ba ang paraan mo to say thank you?, then you're welcome" Tbc ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD