HYACINTH’S POV T-Teka.. Sino tong lalaking nagluluto sa kitchen ko. Kusot mata. Pikit ng madiin. Batukan ang sarili. Hindi pa rin siya nawawala. Ibig sabihin totoo tong lalaking toh. “S-Sino ka?! Anong ginagawa mo dito sa room ko?!” sigaw ko sa kanya. Medyo rinig ko yung pagtawa niya. Abah! Magnanakaw siguro toh. Ah. Alam ko na.. Dahan-dahan kong kinuha yung walis na nasa tabi ko.. Tapos dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Papaluin ko siya sa ulo niya. Hahampasin ko na sana siya ng bigla siyang humarap. Medyo shock siya kasi nakatutok na sa kanya yung walis ko. “Hyacinth, w-wag” sabi ni Prince. Oo si Prince. Ibinaba ko yung walis kong hawak-hawak saka hinawakan yung mukha ni Prince kung totoo ba siya o guni-guni ko lang. Teka,baka nananaginip na naman ako. Kinurot ko yung sarili ko

