Kabanata 20 Naiwan akong tulalang mag-isa sa condo. Mapait akong ngumiti. Hindi ako makapaniwala na hinahayaan ko ulit siyang saktan ako ng ganito. Nakalimutan mo na ba Lau kung anong rason mo kung bakit ka nandito? Naiinis ako sa sarili ko dahil pinipilit ko na naman ang sarili ko sa kanya. It was too obvious that I want his love and attention again. Tulad ng dati. Sinabunutan ko ang sarili ko sa inis. You’ve already grown up, right? You already let him go, hindi ba? Huminga ako nang malalim at pumatak ang luha sa aking pisngi. This is not you, Lauren. Tama. I will just use this marriage for my hacienda, on how he plays it too. The other day I do my routine without minding him. Hindi ko hinayaan na makita niya ako. Kapag gabi naman ay sinisikap ko na tulog na ako kapag uuwi na siy

