Kabanata 44 Lumakad ako palabas ng opisina at nakahinga nang maluwag noong tuluyan na akong nakalabas. Natigilan ako nang makita si Monica na nakasuot ng kulay maroon na bestida at naglalakad ito patungo sa direksyon ko. Kumunot ang noo ko dahil kasama nito si Tita Imelda. Hindi ako puwedeng magkamali dahil sa nakalipas na taon ay walang pinagbago ang itsura nito. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at para akong tuod habang pinagmamasdan ang unti-unting pagkunot ng noo ni tita noong masilayan ako. Kumabog ang dibdib ko at bigla kong naalala ang pangyayari noong pumunta ako sa aming hacienda. Unti-unti umusbong ang galit sa dibdib ko at kinuyom ko ang mga palad ko. Dumapo sa akin ang tingin ni Monica at napansin ko ang gulat sa kanyang mga mata. Umiwas ako ng tingin at bago ko pa s

