Kabanata 58 Nagpasya akong bumaba sa kusina at naabutan si Tiya Pasing na mapanuri ang tingin sa akin. Tumaas ang kilay ko sa kanya at nagtatanong ang mga mata dahil sinusundan nito ako ng tingin. "Umalis na siya." Kumunot ang noo ko at noong napagtanto na si Edward ang tinutukoy nito ay marahan akong tumango. "No'ng nalaman niya na narito ka ay hindi na ito nag-isip pa at umalis na." Mula rito ay dinig ko ang boses ng anak ko na kausap si July habang pababa sila ng hagdan. Pinatawag ko na sila para kumain ng hapunan. "Mas mabuti na 'yon tiya. Para hindi na lang siya makita ni Brielle." "Hindi ko akalain na lahat ng gusto mo ay sinusunod niya." Kumunot ang noo kong tumingin kay tiya na naglalagay ng plato sa mesa. "Ang hirap sa isang magulang ang malayo sa mga anak. Pero nakaka kaya n

