Kabanata 56 Hinaplos ko ang malambot na buhok ng anak ko. Sobrang himbing na ng tulog nito habang hindi naman ako makatulog sa kakaisip. Naninikip pa rin ang dibdib ko sa naging tagpo kanina. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil pag-uusap naming dalawa. Pinilit kong matulog pero hindi ako dinadalaw ng antok. Nagpasya akong tumayo at kinuha ang photo album at mga video recorder na iniingatan ko. Napangiti ako nang makita ang litrato nito noong kapapanganak ko pa lang sa kanya at nasa nursery pa ito, kuha ito ni Ate Yllane. Napangiti naman ako sa isa pang litrato nang hawak ko ito habang humihikab siya at nakataas ang maliliit niyang mga kamay. Sobrang cute niya talaga. Kaya naman sina Ate Yllane at Kuya Orland ay nawiwili sa kanya. May litrato rin ako noong unang beses siyang n

