Kabanata 22 Pumasok ako nang mas maaga para gumawa muli ng mga designs. Ito na yata ang inatupag ko buong hapon kahit hindi wala naman sinabi sa akin si Ms. Lorenza na kailangan kong ulitin. "Lauren? Mr. Buenaflor wanted to talk to you," ani Kiray sa akin na tumayo sa tapat ng mesa ko habang may hawak pang mga folders. "He wants to see your presentation again. Mukhang kanina ka pa niya balak kausapin pero katatapos lang ng meeting niya ngayon.” Sumulyap ako kay Phoebe na nasa tabi nito at matamis ang ngiti. Marahan akong tumango sa kanya na sumulyap sa aking ginagawa. “Wala naman sinabi kay Ms. Lorenza na kailangan mo pang gumawa ng bagong designs.” Ngumiti ito sa akin. “Just show him the designs that you presented yesterday.” Mabilis akong tumango at naramdaman bigla ang kabog ng di

