Kabanata 29 "Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang nag-iisip ng susuotin ko dahil hindi ko alam kung saan kami pupunta. He asks me to dress up without telling me where to go. Though it's the weekend, I don't need to worry about it because I don’t have work. "We have a family dinner in your hacienda," sambit nito. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at hindi makapaniwala na tumungo sa walk-in closet nito kung nasaan ito. "Ta-Talaga?" Punong-puno ng kasabikan ang dibdib ko na tumingin sa kanya. Tumaas ang sulok ng labi nito nang mapansin niya ang ngiti ko. Matagal ko ng gustong umuwi doon pero sa dami ng ginagawa ko ay hindi ko magawa. Lalo na ay nahihiya naman akong pumasyal dahil naroon si Tita Imelda. "Yeah." Tango nito. Mas lalong lumaki ang ngiti sa labi ko at hindi k

