Betrayed
When I woke up this morning, hindi ko alam kung bakit basa ang pisngi ko. I am here inside my room at hindi ko alam kung bakit ramdam ko yung p*******t ng katawan ko. I looked at my wrist at napansin kong mapula 'yon. There is nothing written in my journal that can answer my question. Basta ang alam ko lang, wala akong maalala kagabi.
I prepared myself and all the things that I needed in school. Pagkalabas ko ng gate ay nagulat ako ng may makita akong kotse na naghihintay sa labas. Nikkolas went outside the car before going to my direction.
Anong ginagawa n'ya rito?
"Are you alright? Or you should take a rest this day instead?" Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi n'ya. Why is he acting so concerned again?
"I-I'm all good," sagot ko kahit na ramdam kong medyo mabigat ang pakiramdam ko.
He offered me a ride at hindi ko alam kung bakit sa pagkakataong iyon ay hindi na ako tumanggi pa. There are some part of me saying that I should always stay beside him so I'll be safe. I don't know why I felt this way for him.
While I'm inside his car, I browse my journal again. I should be mad at him because of what happened the other day. Nabasa ko sa journal kung ano 'yong saktong sinabi sa akin ni Eleonora noong nakaraang araw.
"How's your date with her?" I asked. Saglit naman itong napatingin sa akin habang nagmamaneho.
"It's fine," wala pa akong binabanggit na pangalan pero mukhang alam na n'ya kung sino ang tinutukoy ko.
Hindi na ako nagsalita pa pagkatapos n'yang sabihin iyon. I noticed that something is different from him again. Kumbaga sa tao ay parang ilang gabing walang maayos na tulog. Looking at him, it was like he need to recharge or change batteries once again.
Nikkolas Parker is more likely a human for being gentleman. He opened the door of his car for me. Hindi naman naging matagal ang byahe dahil sa himalang pagkawala ng traffic.
I smiled after stepping on the ground. "Thank you," I mouthed. I have no idea kung bakit ramdam kong may iba pa dapat akong sasabihin sa kanya. I ended up staying quiet dahil hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako.
I was about to go dahil ayokong may makakitang magkasabay kaming dalawa ng hawakan n'ya yung palupulsuhan ko. Bumaba ang tingin ko doon at mabuti naman ay marahan n'ya itong binitawan.
"Don't believe in what other people says. Just trust me...only me," After he said those, mas lalong nagulo ang isip ko.
I ended up not listening to the morning discussions because of thinking if there is something that happened last night. Sa sobrang pag iisip ko ay ramdam kong medyo sumasakit na yung ulo ko.
It worked last time. There are some cases na nagagawa kong makaalala kahit kaunti o di kaya naman kapag may nakikita akong tao o bagay na pamilyar sa alaala ko kagabi ay nagagawa ko itong matandaan. I can't remember any single memories now. I only know is that, parang nakakaramdam ako ng galit at awa para sa sarili ko.
After our morning classes, I was left inside the room. All of them are now in the cafeteria. Nikkolas is not also here. Hindi naman sa hinahanap ko s'ya pero nakakapagtakang wala s'ya kanina sa panghuli naming subject para sa pang umagang klase.
I am not in the mood to eat. Parang mas gusto kong ubusin ang oras ko ngayon na matandaan ang mga bagay na hindi ko na maalala.
In the middle of processing my mind, I heard footsteps behind my back. My feelings changed in an instant when I saw Primo. Napatayo ako para tingnan s'ya.
Kaagad itong lumapit sa akin. He didn't say anything instead, bigla n'ya na lang akong niyakap. Kusang bumigat yung dibdib ko hanggang sa makaramdam ako ng mainit na bagay sa pisngi ko. I am crying because of an unknown reason. I pushed him away at nagulat na lang ako ng bigla s'yang lumuhod sa harap ko.
"It's all my damn fault. I'm sorry, Hershey," he said. This is the first time that I saw him cry. Even if I can't remember anything happened, I know the pain that I felt last night was the same as before.
Kahit na walang maalala ang isip ko, nararamdaman ko naman iyon. I used to suffer this kind of pain. Dapat sinasanay ko na yung sarili ko pero hindi ko pa rin talaga alam kung bakit paulit ulit na lang.
"Tell me exactly what happened," I said bago ko s'ya sinubukang itayo. Primo is a good friend of mine. Ramdam kong nasira na naman yung tiwala ko sa kanya kaya't sobrang bigat noon para sa akin.
Nanatili s'yang nakatingin sa akin kaya't inulit ko yung tanong ko. Looking how wasted he is now, alam kong may nangyari kagabi.
"Ayokong masaktan ka."
Mahina akong napatawa dahil sa sinabi nito.
"You are not the Primo I know. Just tell me everything happened. Sanay ka na namang makasakit ng ibang damdamin di'ba? You used to date different girls. You'll get their hearts at first at pagkatapos papaasahin mo lang sila sa wala. Hindi pa ba p*******t ang tawag d'on?" sagot ko. I distance myself from him. Galit ako kasi hindi ko magawang maalala yung nangyari pero mas galit ako kasi nagawa n'yang magsinungaling sa akin.
"I'd rather chose you to hate me rather than telling you what happened. You are different from the other girls I met, Hershey. Hindi ko kayang saktan ka."
Inalis ko ang kamay n'yang pilit na humahawak sa akin. Muli kong pinahid yung mga luha ko bago s'ya hinarap.
"Am I really different from your girls Primo? O naaawa ka lang sa akin? Naaawa ka kasi mag isa na lang ako sa buhay kaya hindi mo ako magawang saktan? Are you afraid of me committing suicide again like what you saw before? Are you----
"Hershey."
"Then tell me!" Hindi ko na napigilan pa yung sarili kong sumigaw. He tried to hold me again but I avoided him. I am very mad now. I can't believe that out of all people, bakit s'ya pa?
"Hindi mo lang alam kung gaano ako sobrang nahihirapan ngayon kasi sa tuwing may nangyayari sa akin magigising na lang ako kinabukasan na wala na akong maalala. Hindi mo alam kung gaano kasakit habang pinipilit ko yung sarili ko na magtiwala sa ibang tao kahit na mas pinipili pa din nilang talikuran ako. Hindi mo alam kung gaano ko kaawaan yung sarili ko kasi wala man lang akong magulang na malapitan kapag gulong g**o na ako. Hirap na hirap na ako, Primo! Hindi ko na alam kung sinong paniniwalaan ko!" hindi ko na napigilan ang sunod sunod na pagpatak ng mga luha mula sa mga mata ko. I hate my life! I hate myself to the point na gusto ko na lang tapusin lahat.
"I dated so many girls to forget my feelings for you, Hershey. I'm afraid that one day, mas lalo lang kitang mahalin. Natatakot akong masaktan ka. I am more afraid hurting you than hurting myself. I want you to trust me again. Paniwalaan mo ako kasi mahal na mahal kita."
Umiling ako dahil sa sinabi n'ya. Nagulat ako pagkatapos kong marinig ang mga salitang iyon pero mas nangibabaw pa din sa akin ang galit. Mabilis kong dinampot ang bag ko bago ako nagmamadaling lumabas ng room.
I remembered what Nikkolas said. He told me that he's the only person I can trust. It's not impossible that he knows what happened that night kaya't tinawagan ko s'ya para papuntahin sa rooftop.
I realized that I don't need to be scared na umiyak sa harapan n'ya o magpretend na ayos lang ako kasi hindi naman s'ya totoong tao.
Hinayaan ko lang yung sarili ko na umiyak ng umiyak without minding his presence. I'm only good at this. Crying to ease the pain I'm feeling.
The pain I felt when Eleonora betrayed me was not the same feeling I felt because of Primo. He's always been a brother for me. Ilang taon ko na din s'yang naging kaibigan at kahit na wala akong eksaktong maalala, alam kong mas lalo akong masasaktan kapag natandaan ko yung totoo.
I closed my eyes bago ako nagdecide na tumigil sa pag iyak. Those tears are enough for this day.
I look at the robot beside me. Nakatingin ito sa akin kaya't sinubukan kong ngumiti.
"I k-know you won't judge me. Robot had no feelings right? I said. Instead of answering, hinawakan n'ya yung kamay ko.
"I already told you that I have. Now, I want you to share the pain you're feeling with me. I won't let go of your hand until you felt alright."