MARAMING naiwan at napabayaang trabaho si Benedict sa nakaraang mga linggo na sinusuyo niya si Lyn. Kaya sa loob ng isang linggo mula nang magbalik siya ng Maynila, kinailangan niya mag-double time para lang makahabol sa deadline ng mga trabaho niya. Nag-set na siya ng alarm sa cellphone niya para magising ng alas sais ng umaga. Halos alas diyes o alas onse na ng gabi ang nagiging uwi niya. Medyo na-gi-guilty siya na sa umaga lang sila nakakapag-usap ni Lyn. Kapag pinagluluto siya nito ng almusal at inaasikaso ang isusuot niya. Hindi nga lang kasing sigla ng dati ang boses ng babae kapag nagsasalita. Hindi nga lang siya nito hinahalikan na katulad noong unang araw nila sa kanilang bagong bahay. In fact, napansin ni Benedict na hindi siya nito tinitingnan sa mga mata. He kn

