Uncensored Series 1: Ex-Lovers Contract Chapter 65 //Selena POV// “Mabuti nakapagdesisyon ka na umuwi. Sana may natutunan ka sa pagalis mo kahapon. Anong pakiramdam na nahihirapan ka habang bumabagyo? I’m sure ayaw mo ng maranasan ang ganoong sitwasyon, hindi ba?” Agad na bungad sa kanya ng kanyang ina pagpasok niya sa loob ng mansion. Ganoon pa rin ito. Parang walang nangyari kahapon pati na rin sa kanya. Wala siya sa mood para making sa mga salita nito at agad na umakyat papunta sa kanyang kwarto. “Sandali.” “I’m tired, okay? Pwede mamaya na lang?” Inis niyang sabi nito. “Don’t give me that kind o tone. Huwag na huwag mo akong tatratuhin na ibang tao ngayon, Selena. Sige, magpahinga ka muna ngayong araw pero bukas, maghanda ka dahil may pupuntahan tayo.” “Pup

