2 Uncensored Series1

1143 Words
CHAPTER 2 //SELENA POV// Gabi na at naghihintay na lang siyang matapos ang kanyang shift. Wala na masyadong trabaho kaya naman nasa hallway lang siya at nagiinspeksyon kung meron pa bang naiwang mga kalat. Hindi pa naman siya napapagod at kapag nakita siya ng kanilang head officer, papagalitan siya at sasabihang tamad. Saan man tignan, napakaganda pa rin ng lugar. Nakaka-relax kapag dumadaan siya sa hallway dahil nakapalibot dito ang isang fish pond kaya naman nasisiyahan siyang makakita ng mga isdang lumalangoy. Naalala niya noon na marami siyang napuntahang lugar. Napaganda at napakagrande. Pero ngayon, mukha itong lugar na lamang ang mapupuntahan niya. Naputol ang kanyang pagmumunimuni ng tawagan siya sa opisina. May ipapalinis daw na isang VIP room sa top floor. Sinunod niya ang utos at naghanda ng mga gagamiting panlinis at mga bagong punda, kumot at iba pang kakailanganin. Nakapunta na siya sa top floor kung saan doon ang pinakaengrande at pinakamahal na kwarto dito sa hotel pero isang beses lamang iyon at kasama niya si Emily na pumunta doon. Pero ngayon, siya lamang magisa ang maglilinis ng kwarto. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya habang nilalakbay niya ang pasilyo papunta sa kwartong lilinisan niya. Nasa harapan na siya ng sinasabing kwarto. She swipe the card at pumasok na sa loob. Napa "wow" siya sa ganda at lawak ng lugar. Hindi ito ang kwarto nilinisan nila noon ni Emily. Ito yata ang pinakamagandang kwartong nakita niya. At halos kitang kita niya ang buong lugar sa lawak ng bintana. Mabuti na lang at siya ang pipnagutusan na maglinis dito sa magarang kwarto ngayon. Nagsimula na siyang maglinis. Inuna muna niya ang sa shower room. Mabuti at hindi masyadong makalat pero may pinaggamitan tuwalya. Pinalitan niya ito ng bago at nilinisan ang lababo, shower at bath tub. Madali lang siya natapos sa shower room at sumunod naman niyang lilinisin ang bed room. Hindi din masyadong makalat pero halatang may gumamit nito. Hinawi niya ang mga pinaggamitan ito at inilagay sa laundry bag. Papalabas na siya ng makita niyang hindi pala niya sinarado ang pinto. "You must be the housekeeper." Nilingon niya ang nagsalita. Isang matandang lalaki na nakasuot lang ng bath robe. Ito yata ang nago-occupied ng kwarto. Nakaupo ito sa sofa. Kita din niya ang pamumula ng mukha nito. Mukhang lasing ata ito. "Ye-yes, Sir. Malapit naman po ako matapos. Sandali lang po at kukunin ko po ang mga bedsheet." Dali-dali siyang lumakad palabas ng bigla na lang hinablot ang kanyang braso. "No. You stay here." "Sir, please bitawan niyo ako." Natatakot na siya sa pinapakita nito. "Let's have some fun. Promise hindi ko ito ipagsasabi sa iba." Lalo mismo hinigpitan ang pagkakahawak nito sa kanya. "Huwag! Tulog! Tulong!" Simugaw siya ng pagkalakas- lakas. Hindi niya kaya ang lakas nito at takot na takot siya sa gagawin nito sa kanya. Ng may bigla na lang humablot sa suot nitong balabal at inihagis papalayo sa kanya. "s**t! What's going on here in my room?" Wait. Kilala niya ang boses na iyon! Iniangat niya ang tingin at laking gulat niya ng makita kung sino itong nagligtas sa kanya. This can't be. this can't be him! "A-Alonzo?" Nilingon din siya nito at kita din niya ang pagkagulat ng makita siya. "Selena." ------------------ //SELENA POV// Ilang taon din ng hindi niya nakita ito, pero hindi pa rin niya nakakalimutan ang mukha nito. Anong ginagawa nito dito? At bakit ibang Alonzo ang nasa harapan niya ngayon? Ito ba talaga si Alonzo? "Mr. Guevarra, nandito na po ang security na pinatawag ninyo." Agad na dinakip ng mga security ang lalaking nagtangkang halayin siya. "Get that man out of my suite." Utos nito. Binuhat agad ng dalawang security ang matanda na tulog na tulog na at pinaalis sa kwarto. Nagkataon na sa sobrang pagkalasing nito ay nagkamali ito sa pagpasok ng kwarto. Ibig sabihin, itong kwarto na lilinisan niya ngayon... ay kay Alonzo?! Ang buhok nito. Ang pananamit nito. Lahat nagiba. Nagbago lahat! "Why are you still on the floor? Get up." Nagulat din siya sa tono nito. May nakikita siyang galit at pagkadiri sa mga mata nito. Ibig bang sabihin, buong pagkatao nito ay nagbago na? "So-sorry." Dali-dali siyang tumayo. "Sa-salamat. Akala ko wala ng tutulong sa a-akin." Hindi man lang ito kumibo at tinitigsn lamang siya nito. "Ku-kumusta ka na, Alonzo? Ang tagal na din panahon na...na hindi tayo nagkita. Mu-mukhang ang dami na nangyari sa---" "I don't want to hear anything from you. We just see each other and that's enough. Pure coincidence." "So-sorry..." Yumuko siya. Tama nga naman. Sa nagdaan tao hindi niya alam kung ano na ang pinagdadaan nito. Sa mga kasalanan niya rito, she deserved to be like this. "Your uniform says you're utility here. That's why nandito ka sa kwarto ko." Tumango siya. "O-oo. Ma-magsisimula na sana ako ng biglang pumasok ang lalaking iyon dito. Hindi ko alam na hindi pala siya ang nag-occupied nito." He smirked. "I see. I couldn't believe what I saw today. Who would knew na nagkabaliktad ang mundo natin dalawa. Karma's a b***h, am I right?" May halong tawa ang tono nito. Nakaramdam siya ng sakit sa kanyang damdamin ng sinabi nito ang mga iyon sa kanya. Pero, ayaw niya magpakita ng emosyon rito. Kailangan niyang magpakatatag. "I'll be back for an hour. Make sure tapos ka na at wala ka na dito sa kwarto ko." "Ye-yes... Sir." Tinalikuran na siya nito. Papalabas na ito ng may bigla na lamang yumakap na babae rito. "May nakasalubong akong security sa baba. Sabi nila galing sila sa room mo. Are you alright? May nangyari ba?" Pagalalang tanong ng babae kay Alonzo. Tinignan niya ang babae kausap nito. Napakaganda. Mataas ang buhok nito at nakasuot na mangipis na red dress. Kaano-ano ito ni Alonzo? Girlfriend siguro. "I'm fine. Nothing's happened." "Good." Inangkin nito ang labi ng lalaki at hinalikan ng pagkalalim-lalim. "Shall we get started?" She said with a suductive way. Dinig na dinig niya ang mga paguusap nito kahit nagsimula na siyang naglinis. "Not yet. Let's go to the bar. Hindi pa tapos maglinis ang...maid dito." "Okay. Let's go." Pinagpatuloy niya lamang ang paglilinis. Kahit tumutulo na ang kanyang mga luha, kakayanin pa rin niya. Hindi lang naman siya ang nahihirapan ngayon sa kanyang sitwasyon. May responsibilidad pa siyang kailangan asikasuhin. Oo, tama si Alonzo nagkabalikad nga ang mundo nila at hindi niya inakala na sagad ang pagkasuklam nito nito sa kanya at hindi man sa punto ang sinabi nito, pero ramdam niya sa bawat salita nito ang pangalalait nito sa kanya. Kung alam na niya sa simula pa lang na nandito ito at mismong kwarto pa ang ililinisan niya, hindi na sana niya tinanggap ito. mas gugustuhin na lamang niya sa comfort room at maglinis ng napakaraming anidoro kesa makaharap ito. Kung alam sana niya ano ba talaga ang totoong nangyari... ----- END OF CHAPTER 2 -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD