//Alonzo POV// “Ikaw ah. Hindi mo man lang ako sinabihan na magkakilala pala kayo ng unica hija ni Don Roberto.” Aliw na sabi ng kanyang ina. Pagkatapos ng kanilang masayang pananghalian kasama si Selena, nagpasya na itong umuwi. Baka raw uuwi na ang ina nito. Hindi kasi nito alam kalian oras ito uuwi ngayon araw at para na din hindi ito mabuko. Nakakalungkot man na sandali lang sila nagusap kasama ang kanyang ina, naging maaliw at masaya naman. Kinuha niya ang mga pinaghugasan nito at inilahagay sa cabinet. “Hindi ko din po inaasahan eh. Bigla ang po kasi siyang sumulpot sa bakod ng mga kabayo kaya ayun, magkakilala na kami.” “Pero nalulungkot ako para sa kanya. Ganoon ba talaga ka-strikto ang ina nito na pati pa naman masinagan ng araw ang anak ay ayaw na ayaw nito?”

