Uncensored S1: Ex-Lovers Contract Chapter 63 //Alonzo POV// Mahangin at lakas ng ulan ang sumalubong sa kanya ng papalabas siya sa bahay para puntahan si Selena. Wala siyang balita kung nasa kwarto lang ba ito at nagpapahinga. Hindi siya mapakali. Gusto niya itong makausap at makumpirma na totoo ba ang mga haka-hakang narinig niya mula sa mga trabahador. Lalong lalo na kung magpapakasal na ba ito sa iba. “Saan ka pupunta, Alonzo? Ang lakas ng ulan lalabas ka pa.” Nakita siya ng kanyang ina na papalabas ng pinto. “Ma-may iche-check lang po ako sa kwadra baka hindi ko ikinandado ng mabuti ang isa sa mga kulungan.” Mahirap magsinungaling sa magulang. Kung sasabihin niya na si Selena ang pupuntahan niya, baka may isip itong hindi maganda. “Pero masama ang panahon ngayo

