//Selena POV// “Selena, wake up.” “Hmm…” “We’re here. Gumising ka na.” "Nandito na tayo?" Napamulat ang kanyang mga mata. Inilibot niya ang kanyang paningin at ni palibot ay hindi niya maaninag dahil sa makapal na habog. Lumabas siya sa sasakyan at nakaramdam agad siya ng sobrang lamig. Saan ba siya dinala ng lalaking ito at parang isang malaking abandonadong lugar ang pinuntahan nilang dalawa. “Get my things on the back at may tatawagan lang ako.” “Sige.” Hindi niya maiwasan na manignig sa sobrang lamig. Maninpis na long sleeve blouse kasi ang suot niya. “You can borrow my jacket kung nilalamig ka.” Binuksan niya ang likuran ng kotse nito at kumuha ng jacket. Iniisa-isa din niyang kinuha ang mga gamit nito at inilagay muna sa isang malaking puno. Pagkatapos niyang gawin ito ay u

