Uncensored Series 1: Ex-Lovers Contract Chapter 70 //Selena POV// Sa huli, binawian ng buhay ang kanyang ina. Sa tagal na panahon nakaratay ito sa ospital mula ng maaksidente silang dalawa, hindi man lang niya ito nasilayan na mamulat ang mga mata at tumingin sa kanya. Iniwan rin siya nito hanggang sa huli. Labis ang kanyang pighati sa pangyayari na ito. Papaano na siya ngayon? Siya na lamang magisa at wala na siyang makakasama pa. Kahit gaano pa sabihin ng iba kung gaano kasama ang kanyang ina, mahal na mahal pa rin niya ito. Maulan na hapon at inihatid na ito sa huling hantungan. Wala man lang bumisita para sa kanyang ina pero kahit papaano nandito naman ang kanyang kaibigan na si Emily na sumusupota sa kanya. Habang binababa ito sa lupa, hindi niya maiwasan na mapah

