9 Uncensored Series1

1334 Words
//SELENA POV// Tutok sa trabaho si Selena. Ilang kwarto na din ang nalinisan niya. kailangan niyang i-focus ang kanyang sarili para mawala man lang kahit sandali ang iniisip niya. Gusto din niya sana mag-overtime para naman may pandagdag kahit kaunti sa kanyang sweldo o di naman kaya ay magtabaho ulit bilang serbidora sa dine hall. Mabuti na din siguro iyon para pagkatapos niya bilang hosekeeper, agad siyang magtatrabaho bilang server. Pero, kulang na kulang pa rin eh sa mga sandamukal na bayarin para sa hospitalization ng kanyang ina at sa mga kakailanganin bayarin sa mga utang na iniwan nito. And again, Alonzo's face appears in her mind. Agad niyang iniwaksi ang mukha nito sa kanyang isipan. It's him over and over again! Kung meron lang ibang paraan para hindi na siya hihingi ng tulong nito pero ano naman?! Napabuga na siya ng hangin ng maramdaman na naman niyang nagva-vibrate ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Kinuha niya ang cellphone at tinignan ang mga text messages. Alam na niya kung sino ang kumokontak sa kanya, ang mga taong pinagkakautangan ng kanyang ina. Sampung libo lamang ang binayaran niya dahil ang natirang labinglimang libo ay binayad niya sa hospital bills ng kanyang ina. Alam niyang sobrang liit lang na binayad niya pero mas importante ang kalagayan ng kanyang ina. Hindi niya kayang pabayaan ito dahil sa comatose ito at kailangan nito ng sobrang atensyon at alaga kaya kahit masyadong mahal ng bayarin niya sa ospital, kailangan niyang tiisin iyon. Wala na siyang pera. Tanging isang libo na lang ang nasa pitaka niya. Sakto na para sa pamasahe at pagkain. Matagal pa din ang pagkuha niya ng sweldo at Si Aling Tess naman na sina-sideline siya bilang labandera ay nagbabakasyon sa probinsya kasama ang pamilya nito. Napatingin siya sa kanyang cellphone. May tumatawag sa kanya. Unknown number ang nakalagay. Sinagot niya ito. "He-hello?" "Kulang na kulang pa ang sampung libong binayad mo sa amin. Kailan ka ulit magbabayad?" Ang pinagkakautangan ni Mama! "Bi-bigyan niyo po muna ako ng panahon. Mahirap po talaga maghanap ng pera ngayon. Pinapangako ko po makakabayad po kami sa inyo." "Lahat na ng panahon binigay na namin sa inyong magi-ina. Kung hindi mo pa kami mababayaran, magi-ingat ka na sa mga galaw mo." Agad siya nitong binabaan. "Anong gagawing ko?" "Money problems again, huh?" Nagulat siya sa kung sino nagsalita sa kanyang likuran. Si Alonzo pala! Narinig kaya nito ang pinagusapan niya sa telepono? "Kanina ka pa diyan?" "Not much and yes, narinig ko ang pinaguspan ninyo sa kabilang linya. Isa ba iyon sa pinagkakautangan ng mama mo?" Tumango siya. "Kailangan na naman nila ng pera. Kulang pa daw iyong ibinayad ko sa kanila." "Tsk, tsk. That's so true. Twenty-five thousand you asked was not enough. Nagka-casino ang mama mo natural hindi lang daang libo ang inutang niya, tama ba ako?" Hindi siya sumagot. Oo, tama nga ito kaya nahihirapan siyang bayaran lahat ng utang. "Kahit ilang taon ko pagtrabahuan, hindi ko pa rin mababayaran lahat." She's loosing hope. "Bakit ikaw lang ang nagaalala sa mga utang ng mama mo? Where is she by the way? Pinagtataguan ka na rin ba niya para imbes na siya ang magbabayad lahat, ikaw na ang binubuntanan ng mga pinagkakautangan niya." Hindi alam nito kung ano ang nangyari sa kanyang ina. Sasabihin ba niya ang totoo? "Uh... Hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi bale ng ako na mababayad, ina ko pa rin siya at kailangan ko siyang tulungan." "Hmm... Okay, you said so. Your mother didn't change. Still the evil queen up to this day." "Alonzo---" "Naghihirap na ang siya pati ang sarili niyang anak ginagamit pa niya para sa pansarili niyang gusto. Do you still want to help her sa lahat ng nangyaring kagagawan niya?" "Ano ba! Tama na." Naintindihan niya ang galit nito pero huwag naman sana ito magsabi ng masasakit tungkol sa kanyang ina. Tila natauhan na ito. "Fine, I'll stop. For now." May iniabot ito sa kanyang maliit na papel. "Here, take this." "Business card? Para saan ito?" "Flip it. Nandyan ang personal number ko. I-save mo na at itext mo ako." "O-okay?" Ibinulsa niya ang card na binigay nito. "What are you doing?" Biglang tanong nito. "Bakit?" Nagtataka siya. "Now. You have to text me now." "Hindi mo naman pinaliwanag ng mabuti." Kinuha niya ang card na nasa kanyang bulsa at tinipa niya ang cellphone number nito. Nag-text din siya. "Good." "Sige, aalis na ako." Paalam niya. "Wait." Nakakainis. Tinawag na naman siya. "What?" "You want money again?" "No." He chuckled. "Of course you are. Meron akong ipapagawa sa iyo in exchange for a hundred grand." Isang daang libong piso?!  "Iyo-iyon na naman ba?" Ang tinutukoy niya ang ginagawa niya rito kagabi. "No. Not for now." Phew.. mabuti naman. "Wait for my call. Kailangan mo sumagot at kapag hindi, no more hundred grand." "Oo pupunta ako." "Oh, I forgot to tell you something." Inilapit nito ang mukha sa kanya at sabing, "You were great last night." -------------------------- //Selena POV// Sumunod na araw, tinawagan siya ni Alonzo. Sinabi nito na kailangan niya pumunta sa hotel room nito dahil may gagawin silang dalawa. Kumatok siya sa pinto. Pinagbuksan siya nito. Nakita niya ang mga nagkalat na mga papel sa lamesa. Habang may kausap pa ito sa cellphone nito ay tinignan niya ang mga papel at mga papeles. Mga blue prints at designs ang mga nakikita niya. Ito mismo ang narinig niya na gagawa ng real estate ang kompanya ni Alonzo. Hindi na nga maabot ang binata. Napakayaman na nga nito. Napatingin siya at pinagmasdan si Alonzo. Mukhang bagong gising lang ito dahil hindi pa maayos ang buhok nito at nakasuot ng white t-shirt at sweat pants. Busy pa rin ito kakausap sa cellphone. Nag-breakfast na ba ito? Inilibot niya ang tingin sa kusina. Malinis at wala siya nakikitang palatandaan na naghanda ito ng almusal. Should she make him breakfast? Mukhang matatagalan pa ito at wala naman din siyang gagawin. Tamang tama sin dahil day off niya ngayon. Hindi naman siguro ito magagalit kung gagamitin niya ang kusina nito. Kesa tutunganga siya sa kakahintay kay Alonzo, ipagluluto na lang niya ito ng agahan. Nasa veranda ito kaya hindi siya nito nakikita. Inilapag niya muna ang dala niyang sling bag at tinungo ang kusina. Binuksan niya ang refrigerator at naghanap ng lulutuin. Handa na ang kakailangin niya. Sumilip ulit siya kay Alonzo sa veranda. Busy pa rin ito sa paguusap sa cellphone. Sinimulan na niyang magluto. Simple lang ang niluto niya. Egg soup at ham ang inihanda niya para sa binata. Inilatad na niya ang plato at ang niluto niyang pagkain sa lamesa. Dahil sa mga papel na nagkalat ay hindi niya mailapag ang mga plato kaya ini-ayos niya ito. Sa kaka-ayos niya sa mga papeles ay may nakita siya na nakasilip rito. "Buenavante". Ito ang totoong apelyido niya. Bakit may nakalagay ang kanilang apelyido sa mga papel ni Alonzo. Kaailangan niya itong mabasa o masilip man lang. hahablutin na niya ito ng... "What are you doing?" Napatilig siya at agad na hinarap ito. "Tinabi ko muna para makapag-almusal ka. Pa-pasensya ka na hindi ako nagpaalam na gagamitin ang kusina mo." He stared at her for a second. "You made breakfast?" "O-oo." Inilapag nito ang cellphone sa desktop table at umupo sa dining table. "Great. Nasan na?" She feel sudden relief. Akala niya magdududa ito kung bakit niya ginalaw ang mga gamit nito. Itinabi niya ang mga papeles sa sofa at inayos niya ang agahan nito. Kita niya sa mukha nito ang tuwa ng makita nito ang inihanda niyang mga pagkain. "Akala ko tatawag pa ako sa reception desk para magpadala ng agahan. How did you know na hindi pa ako nag-breakfast?" "Masyadong malinis ang kusina mo kaya nalaman ko." "Talaga? Now you gave me an idea na ikaw na lang ang magluluto sa akin ng breakfast. Don't worry, alam ko naman na hindi libre ang service mo." "Ikaw ang bahala." Matamlay niyang sagot. As expected from Alonzo's mouth, ang alam lang nito na gagawin niya ang paguutos nito kung may kapalit na pera. "Ikaw?" "Bakit?" "Breakfast?" "Tapos na ako." "Ayaw mong sumabay sa akin?" "No." "Why not?" "Dahil tapos na ako." "Why don't you have breakfast again?" "Busog pa ako." "Talaga?" "Yes." He shrugged and continued his eating. "Okay." Ang sarap sapakin ng lalaking ito. Ang kulit! "Nga pala, may pupuntahan tayo pagkatapos nito." "Saan naman?" "Diyan ko na sasabihin kapag tapos na akong kumain. Are you sure you want to eat again?" Isa na lang, tatadyakin ko na talaga itong lalaking 'to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD