//Alonzo POV// Puno ng pangamba ang kanyang dibdib habang dinala nila sa ospital ang kanyang ina. Hindi ito kapani-paniwala dahil ngayon lang ito nangyaring masama sa kalusugan nito. Naghintay silang dalawa ni Amanda sa labas ng emergency room. Sana maayos lang ang kanyang ina. Ilang minuto na ang nakakalipas ng lumabas na ang doctor. “Doc, anon a po ang kalagayan ng ina ko?” “Nagkaroon siya ng mild cardiac arrest, Mr. Guevarra. Hindi maganda ang pagdaloy ng oxygen sa utak niya kaya magpapasalamat na lang tayo sa Diyos at nadala ninyo siya kaagad ditto. Sa ngayon, stable na ang kanyang lagay pero kailangan pa rin nating siyang obserbahan.” “Salamat, Doc.” “Kailangan ka na ni Auntie, Alonzo. Ito na siguro ang oras na bumawi ka na sa ilang araw mong pakawala.”

