//AMANDA POV// “Aalis ka na naman, hija?” Aalis na sana siya ng nasa sala si Aleng Josie at naglilinis doon. “Opo, Aleng Josie. May pupuntahan lang po akong boutique. Babalik din po ako kaagad.” Sa ilang araw niyang pamamasyal sa iba’t ibang lugar, mas naaliw siya sa mga dress shops na may naggagandahan at nakakamahang mga disenyo. Mas nakakapagpasaya sa kanya ito dahil pwede niyang masukat o kaya’y mabili ito. “Naku, huwag kang mag-alala. Kahit matatagalan ka doon okay lang. mag-enjoy ka muna, hija at ako na ang bahala kay Madam Rossa.” “Maraming salamat po talaga, Aleng Josie. Aalis nap o ako!” Nagpahatid siya sa driver papunta sa isang mall na hindi pa niya napuntahan. Naaaliw siya sa bawat boutique na napapsukan niya ditto. Ang daming mga magagandang damit!

