NAKABALIK na sina Ayanne sa rest house. Pero bago sila bumalik ay inilibing muna nila ng maayos si Jeric. Nasa salas sila at nag-uusap na sila para sa mga susunod na magiging hakbang nila. “Dapat pala... hindi na lang namin ginahasa si Kara. Hindi sana nangyayari ito...” nakayukong pagsisisi ni WInston. “Huli na para sa mga pagsisisi mo, Winston,” ani Ayanne. “Sa totoo lang, gusto ko kayaong pagsasampalin ni Vinz pero alam ko na hindi iyon makaktulong sa sitwasiyon natin ngayon. Oo, galit ako sa inyo pero mas galit ako sa ginawa ni Dara o ni Kara kay Jeric! Hindi makatao ang paniningil nila at hindi ako makakapayag na ganoon na lamang iyon! Pagbabayarin natin si Dara o si Kara! Dapat nilang pagdusahan sa kulungan ang ginawa nila kay Jeric!” Biglang tumayo si Siri. Namumugto pa rin ang m

