Prologue

350 Words
“Hindi mo ba alam iyong salitang move on? My God James! Hanggang kailan mo ba siya mamahalin? Two years na ang nakalilipas. Ano, Sa kaniya na lang ba iikot ang mundo mo? Hindi mo ba nakikita? May iba na siyang mahal! May iba na siyang mundo! Ni hindi ko nga maintindihan kung paanong sabi mo, nakikipagbalikan siya sa iyo. Eh ayan oh, kitang-kita mo naman ‘di ba? May kalandian siyang iba!” naiinis na saad ni Thummy kay James. Wala na kasi itong ibang inintindi kundi si Melissa! Nakaririndi na! “Kung patuloy kang magpapakatanga diyan, at hihintaying bumalik sa iyo ang babaeng iyon, tatanda kang mag-isa at malungkot! Lalo mo lang siyang binibigyan ng pagkakataong yurakan ang pagkatao mo. Dahil ipinapakita mo lang na handa kang magpakatanga para sa kaniya!” dugtong pa niya rito. ‘Kung hindi lang kita mahal buwiset ka! Tumingin ka kaya sa kanan mo, nang makita mong hinahanap mo. Manhid!’ gigil na gigil niyang saad sa kaniyang isipan. Bakit ba naman kasi sa dinami-rami nang mamahaling lalake, sa isang bigo pa siya nahumaling? ‘Juice colored! Alam ko pong hiniling kong sana magka-love life na ako, pero ‘wag naman po sa bigong mamang ito. Baka imbes na love life, loveless lalo ang abutin ko sa taong ito!’ sabi pa niya sa kaniyang sarili. Paano niya paiibigin ang isang taong matindi pa ang tama sa nakaraan? Mapagtagumpayan kaya niyang makuha ang puso nito? Manalo kaya siya sa laban na ito? Paano naman ang gagawin niya, kung muling magbalik ang ex nitong nang-iwan dito dalawang taon na ang nakararaan? Maipaglaban kaya niya ang sariling feelings para rito? Oh my gulay, paano nga ba?             Grace Calma, 24 years old, single looking for jowa. Job Description: Service Specialist at BSC. Describe yourself: Typical Filipina height, probinsyanang galawgaw, palaban kung kinakailangan, chinita girl, full lips, snob nose, and morena.             I dedicate this story to my friend, Grace Calma-Magadia. Ate Thummy this is for you... I love you...   To my dear readers, just continue reading po. Thank you for your support.   Love lots, Jersey Gabrielle
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD